Chapter Thirty Five

263K 2.6K 540
                                    

"Please?"

Napalunok si Noneen. Ano bang dapat gawin niya ha? Sino bang dapat piliin niya? Hawak hawak ni Lawrence ngayon  ang kamay niya. Pinipigilan pa rin siya. Pero hindi, naguguluhan siya. Ang daming tanong na pumapasok sa isip niya. Ano ba talaga to ha? Napabuntong hininga siya.

Kelangan niya ng sagot.

At alam niyang hindi niya makukuha kay Lawrence iyon. Kilala niya si Lawrence, hindi siya yung tipong taong magkwekwento. 

Kaya wala siyang nagawa kundi huminga ng malalim.

"Pasensya na.." Sabi niya ng mahina at tinanggal niya ang hawak ni Lawrence sa kamay niya. Tsaka siya naglakad at sinundan kung saan pumunta si Ralph.

Napatawa naman si Lawrence ng mahina sa pwesto siya tsaka ngumiti.

"So talagang mas matimbang siya?"

Naglalakad si Noneen sa paligid pero hindi pa rin niya makita si Ralph. Saan ba nagsuot yung taong yun? Jusko, bakit ba kasi napakalaki ng mansion ng lolo ni Lawrence? Yung tipong isang araw ang gugugulin mo para lang malibot to. Tumingin-tingin siya sa paligid. Pero wala pa rin, walang pagmumukha ni Ralph ang nakikita niya. Nakaabot na siya pati dun sa duluhan ng mansion ng lolo ni Lawrence. Yung malapit sa ilog at sa kabutihang palad.

Nakita niya si Ralph. Nakaupo habang naiitsa ng bato sa ilog.

Ewan niya, pero para bang nalungkot siya. Miske likod lang nito nakikita niya, alam niya kung gaano kalungkot ang taong nasa harapan niya ngayon.

Nilapitan niya ito tsaka tinabihan. Tumingin naman ng saglit sa kanya si Ralph. Tsaka binalik ang tingin sa ilog sa harapan nila. 

"Hi!" Bati ni Noneen habang nakangiti. Pero hindi tumingin si Ralph sa kanya. sabi na nga ba eh, badtrip talaga.

Hindi siya pinansin eh.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now