Special Chapter 3 (Daryl and Yla)

99.1K 1.4K 173
                                    

N/A: Not all things in here are true in terms of what happens in med school. Apparently nanghuhula lang ako base sa mga nababasa ko. Yun lang, di pa ito ang last chapter nilang dalawa. Meron pang isa, since litong-lito ako. Yun lang enjoy :---)

--

Limang buwan na ang nakakaraan simula noong komprontahin siya ni Daryl. Iba na ngayon ang supervisor o resident niya. Limang buwan na rin noong huli silang magusap. Simula kasi noon, naging casual na lang sila. Naguusap lang sila tuwing may nililinaw si Yla o may iuutos si Daryl. Napakaswerte nga ni Yla, kasi ngayon ang resident naman niya ay si Dr. Suarez.

Ang saya naman ng clerkship niya.

“Dr. Castillo!” Narinig naman niya ang pangalan niya agad siyang pumunta sa may Nurse’s station. Nakita niya si Daryl at Lily dito. Lumapit siya sa dalawa at tsaka ngumiti ng marahan.

“Yes Dr. Suarez?” Monotone ang boses nito sa pagkakatanong niya. Nakita niyang umiwas ng tingin si Daryl at ngumiti sa kanya si Dr. Suarez.

“I have some news for you. I hope you’d consider it good though.” Kinabahan naman si Yla sa sinabi nito. Pero pinilit niyang ngumiti, sa ilang buwan na nakalipas ilang beses na ba niyang pinipilit ngumiti? Sanay na siya kung tutuusin.

Di na sumagot si Yla hinintay na lang niya kung ano ba yung balita ni Dr. Suarez sa kanya.

“A person from your batch is dissmissed from clerkship because sadly that person is suffering a disease he didn’t knew up until a week ago. So dahil sobra naman ng isa sa team nyo I’m transferring you to Dr. Yan’s team. I hope that’s okay with you.” Mahinahong sabi ni Dr. Suarez. Para bang may tingang nakapatong sa balikat niya ngayon. Kung kailan naman nasasanay na siyang huminga ng maluwag, bigla naman itong pipigilan.

“W-why me?” Yun lang ang mga nasabing salita ni Yla. Ngumiti naman si Dr. Suarez at napahawak sa balikat niya.

“Because apparently you are the best here in your batch and if I’m not mistaken Dr. Yan is the best and most saught doctor here in St. Jude. Best doctors should train the best soon-to-be doctors don’t you think?” Napalunok naman siya sa narinig niya. Malamang, alam na alam niyang napakagaling ng taong ito. With honors pa ata siya grumaduate, saan ka pa?

Napatingin naman siya kay Daryl na nakatingin lang sa chart nito na tila ba walang pakealam sa paguusap nila ni Dr. Suarez. Kung kelan naman nakakaiwas na siya, tsaka pa sila pagsasamahin. Bakit napakamagpaglaro ng tadhana?

“I hope it’s a good news for you even if your face doesn’t seem to look like it.” Dahan-dahang sabi ni Dr. Suarez. Napailing naman si Yla at tsaka ngumiti.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now