Chapter Twenty Eight

273K 2.7K 384
                                    

"Talaga bang hindi ka pupunta?" Tanong ni Noneen sa asawa bago siya bumaba ng kotse. Hanggang sa kanto lang niya ito binaba. Paano naman baka may makakita sa kanila, mahirap na. Baka mabuko pa sila.



"Pang ilang tanong mo na ba yan ha?" Sagot ni Lawrence kay Noneen. Paano naman kasi, simula nang makalabas sila ng gate yan na ang parating tanong ni Noneen. Ewan ba niya, ba't ba ayaw nitong makumbinsi hindi siya pupunta. Tinatamad nga siya eh di ba?



"Nagtatanong lang eh. Eto.." Sabi ni Noneen 



"Sige na enjoy." Sabi ni Lawrence tsaka lumabas si Noneen ng kotse. Sinara nito ang pinto at tuluyan na ngang umandar ang kotse ni Lawrence. Napanguso siya, grabe hindi lang menopause tong asawa niya, killjoy pa. 



Naglakad na siya papunta sa gate ng school niya. Well hindi naman msyadong malayo kaya ayos lang. Pagpasok na pagpasok ni Noneen sa gate ay sinalubong siya agad ni Ralph.



"Ano ba naman Noneen ha, kanina pa ako naghihintay sa'yo? Akala ko iindyanin mo ko eh! Bakit ba ngayon ka--" Napatigil naman si Ralph sa pagsasalita nang makita niya si Noneen. Napatitig siya dito. Grabe si Noneen ba to? Ang ganda.



"Ah...eh...R-ralph sorry, kasi..nagmadali na nga ako eh...late na kasing dumating yung..gown." Sabi ni Noneen pero hindi na sumagot si Ralph kundi nakatingin lang ito sa kanya.



"Uy.." Sabi ni Noneen kaso wala, nakatingin lang si Ralph sa kanya.



"Hoy. Ralph!" Kinaway ni Noneen ang kamay niya sa harap ni Ralph, tsaka lang ito nawala sa pagkakatitig sa kanya at nakita niyang napakamot ito sa ulo niya. Tae ka Ralph! Wag ganyan! Natutunaw ang puso ko! :"> Isip niya. 



Napalunok naman si Ralph at tsaka umiwas ng tingin. "Ah ganun ba...ganda mo." Pabulong na sabi ni Ralph, para bang batang nahihiya.



We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now