Chapter Thirty One

280K 3K 404
                                    

Siguro ito na ata ang pinakamalas na araw sa buhay niya. Yung gumising ka mula sa tulog mo tas narealize mo hinalikan ka nga pala ng asawa mong gurang kagabe. Dalawang beses pa. 



"Anong gagawin ko?" Tanong ni Noneen sa sarili. Maaga siyang nagising ngayon. 5:00 pa lang gising na siya. Naligo na rin siya at nakapagbihis. Pero hanggang ngayon nasa loob pa rin siya ng kwarto niya. 6:10 pa lang kasi ng umaga. Yung normal na gising ni Lawrence. 



Kanina pa siya palakad lakad sa kwarto niya. Ayaw niya munang makita si Lawrence. Feeling niya kasi napaka-awkward pag nagkita sila. Err, hinalikan nga kasi siya ano ba.



"Kalma Noneen. Basta lumabas ka sa kwarto mo tas takbo papalabas okay?" Sabi nito sa sarili. Huminga siya ng malalim tsaka hinawakan ang doorknob ng pinto niya. Napapikit siya bago bumilang.



"One...two..three!" Binuksan niya ang pinto tsaka lumabas ng kwarto niya nang sakto namang bumukas rin ang pinto sa kwarto ni Lawrence. Nanlaki naman ang mata niya at agad siyang napapasok sa kwarto niya. At dahil sa pagmamadali tumama pa ang noo niya sa pinto.



"Aray naman!" Sabi ni Noneen sabay himas sa noo niya. Ugh, nananadya ba? Napabuntong hininga siya. Paano siya makakalabas ngayon eh nasa labas si Lawrence! Utang na loob naman oh. Maghihintay nanaman ba siya ng mga isang oras para siguradong wala na yung gurang na yun sa bahay nila? Err. WTH.



Naupo si Noneen sa kama nya tsaka nahiga. Wala naman siyang magagawa eh. Ilang minuto rin siyang walang ginagawa kundi maglalakad, tatayo, magbubutingting ng gamit niya at ng mga album na nabili niya.



"AAAAARGH. Ayoko na! Bababa na ako dun at wala akong pakealam kung andun siya. Act normal Noneen! Pakealam ba nun sayo! Trip ka lang nun kagabe wala lang yun magawa. No big deal!" Sabi niya sa sarili tsaka lumapit sa pinto at tsaka binuksan ito at lumabas. Patuloy tuloy lang siya sa paglalakad ng biglang may humarang sa harap niya. Agad naman siyang napahinto at napatunghay ang kanyang ulo.



Si Lawrence. Topless.



Mga halos isang minuto rin bago magreact si Noneen at magsink in sa utak niya na nasa harap niya ngayon si Lawrence. Topless at nakatuwalya lamang. Kitang kita ang abs nito na mas lalong kinagulat ni Noneen.



"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ni Noneen sabay talikod. Ano ba naman to!!! Bakit ba nakatopless tong gurang na to ha? Ano to ha naubusan ng damit? Langya naman no.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now