Special Chapter 6 (Ralph De Guzman)

87.5K 1K 154
                                    

Warning: Bed Scene joke if you are easily offended with cuss words then don't continue, this one contains quite few cuss words. 

--

Sa lahat ng mga unos at paghihirap na nangyari sa buhay ni Ralph ngayon lang niya nadama ng sobra sobra ang pangungusap na : "Life is unfair."

Hindi niya maintindihan, sa lahat naman nang ginawa niyang kabutihan (kahit na merong masama pero nagpakabait naman siya in the end so pagbigyan nyo na) sa buong buhay niya bakit ba parati na lang siyang pinagkakaitan. Kung di man siya pinagkakaitan, parang may kapalit.

Parati na lang.

"And our Philippine University Grand Master 20** is none other than..."

Tulala lang si Ralph at tila ba walang pakealam sa kaguluhan na nangyayari sa sa paligid niya, basta ang alam niya simula na ng katapusan ng mundo niya.

"...Ralph De Guzman from College of Engineering!! Congratulations!" Nakatulala lang si Ralph habang sinasabitan siya ng isang malaking gold medal at inaabot sa kanya ang trophy. Alam niyang nagpapalakpakan lahat ngayon ng mga tiga department niya at pinagchcheer siya pero tila ba hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Hindi talaga.

Bumalik lang ang lumulutang niyang utak nang bigla siyang kalabitin ng mentor niya.

"Ralph ayos ka lang? Picture taking na. Bakit nakanganga ka diyan?" Tanong ng mentor ni Ralph. Napatingin naman siya dito at napilitan ngumiti. 

"Hehe, sorry sir. Medyo shock lang di ako makapaniwala eh." Sagot ni Ralph. Ngumiti naman ang mentor niya sa kanya at tsaka tinapik ang kanyang likod.

"Masanay ka na! Meron ka pang 4 years! Hahaha."

"Hehe." 'Yan lang ang nasagot ni Ralph at tsaka siya napalingon sa gilid niya at nakita naman niya dito si Racquel Angela Dimaapi, nakatingin lang sa kanya habang nakangisi. Tiningnan niya ito ng masama at nakita niyang kumaway ito sa kanya. 

Pucha sipain kita eh. Isip ni Ralph. Inirapan lang niya ito at tsaka tumingin sa camera. Bakit ganon? Matagal na niyang inaasam na mapalanunan 'tong title na 'to pero bakit ngayong nasa kanya na ito, bakit parang sana hindi na lang siya nanalo?

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now