Chapter Forty Eight

202K 2.5K 357
                                    

"Kiss muna."

"Ay p*t#@$)(*$@#$." Napamura naman si Noneen tsaka bigla nitong binatukan si Lawrence.

"Aray masakit ha!!" Reklamo ni Lawrence tsaka niya tiningnan ng masama si Noneen. Tiningnan naman niya ng masama ito pabalik.

"Eh kung may makarining sayo??? Shunga shunga ka rin no? Gamitin mo naman yang magna cum laude mong utak." Mahinang sabi ni Noneen kay Lawrence. May point naman sya, mahirap na. 

"Sa tingin mo sasabihin ko yun kung alam kong may tao sa paligid. Excuse me, wag mo kong ihalintulad sa utak mong pangdulo ang average sa isang pilot section." Inis na sabi ni Lawrence at agad naman syang binatukan ni Noneen.

"Nakakarami ka na ha." 

"Hindi ako panghuli sa klase no, ano akala mo sa akin tanga?!" Ngumisi naman si Lawrence tsaka tumingin sa kanya.

"Oo."

"Anak ng tucha ka tala--"

"Sige subukan mong batukan ako ihuhulog kita." Hindi naman natuloy si Noneen sa balak nyang pagbatok at umirap na lang kay Lawrence. 

"Gurang." Simple na sabi na lang ni Noneen dito. Hindi na lang nagsalita si Lawrence at ngumiti na lang ito. Nakapunta na sila sa teacher's quarters, inupo ni Lawrence si Noneen sa isang sofa dito tsaka kinuha ang first aid kit.

"Kaya mo naman tumayo di ba? Hugasan mo muna yang sugat mo habang kukuha lang ako ng bimpo." Sabi ni Lawrence, tumayo na lang si Noneen miske hapding hapdi sya sa sugat nya. Letse naman eh, of all the times na pwede syang magksugat ngayong retreat pa. Paano na niya maeenjoy ang 3 days and 2 nights na stay nila dito.

Ahuhuhu, ikaw kasi Noneen eh.

Bumalik si Noneen sa sofa tsaka naman lumapit sa kanya si Lawrence. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now