Chapter Twenty Two

293K 2.8K 367
                                    

"So what's with the stupid act?" Seryosong tanong ni Lawrence sa dalawang estudyante sa harap niya ngayon. Seryoso ang tingin niya sa dalawa. Ewan ba niya, halo halo ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Nabwibwisit sya na naniinis na nagagalit na gustong manapak na gustong maglayas na ewan. Hindi niya alam kung bakit basta ang alam niya nung makita niya silang dalawang nakangiti sa isa't isa..



parang nagdilim ang paningin niya.



Si Noneen naman nakayuko ngayon. Para syang bingasakan ng langit at lupa sa pwesto niya, sa kinauupan niya ngayon. Sino ba kasing hindi? Magsama sama kaya kayo sa isang kwarto, habang katabi mo ang manliligaw mo at kaharap nyo ang asawa mo.



Awkward.



"Wala bang may balak sumagot sa inyong dalawa ha?" Tanong ni Lawrence. Nakita niyang tumawa ng marahan si Ralph tsaka tumingin sa kanya. 



Aba walang hiya.



"Di ba obvious sir? Hinaharana ko lang naman po ang babaeng mahal ko kanina. Di mo ba nakita? O sadyang bulag ka lang talaga sir?" Walang galang na sagot ni Ralph. Napalingon naman si Noneen sa kanya. Kahit papaano naman kasi, asawa niya si Lawrence para sabihan na lang ng ganun ni Ralph. Kaso..pwede bang kiligin sa sinabi niya? Isip ni Noneen. 



Pero kahit ganun naguguluhan siya. Sino ba dapat kampihan niya ha?!



"Matalas din ang dila mo Mr. De Guzman. Naturuan ka ba ng nanay mong rumespeto?" Napalingon naman agad si Ralph sa sinabi ni Lawrence. Nakita niyang ngumisi ito tsaka sumandal sa upuan niya. "I guess hindi ka naturuan ng good manners."



"You have no right to say that." Biglang sabi ni Ralph. Nakita ni Lawrence ang pagkainis sa mukha nito. Alam kasi niya, pagusapan mo na ang lahat, laitin mo na sya wag mo lang idadamay ang nanay niya.



"Really? Eh sino naman ang magtuturo sayo niyan? I see, hindi maganda ang pag--"



"Stop." Naputol ang pagsasalita ni Lawrence ng biglang magsalita si Noneen. Ewan ba niya, hindi na niya kasi kaya tong pagaaway nitong dalawa sa harap niya. Bakit kasi parang galit tong dalawa sa isa't isa? 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon