Chapter 2

3K 67 1
                                    

Jema's POV

It's Saturday morning and time na naman para tumulong kina Tatay sa farm ng mga Carlos para may pandadag ako sa aking allowance next week si Nanay naman nasa bahay lang ayaw na syang pagtrabahuhin ni Tatay, sya nga pala ako si Jessica Margarett Casidsid Galanza, Jema for short isa akong graduating student dito sa ****** College University dito sa Laguna, pangalawa ako sa aming magkakapatid yung ate ko guro na tapos high naman si bunso. Kasama ko nga pala sa pagtatrabsho sa farm ang mga kaibigan kong sina Ate Den, Jho, at Ced. Ahead sa amin ni Ced si Ate Den ng two years at one year naman si Jho pero sabay sabay kaming magtatapos dahil kinailangan pa nila na mag upon bago magpatuloy sa pag aaral sa kolehiyo. Nandito kami ngayon sa farm wala pa naman kaming gagawin sa ngayong kasi maaga pa kaya naman naisipan naming magkuwentuhan muna ng biglang lumapit si Tatay sa amin

Mga iha tumawag si Ma'am Marie kanina sa akin sinabi nyang dating daw yung apo nya kasama yung mga kaibigan nya kaya kayo na ang bahala sa kanila mamaya huh (mahabang sabi ni Tatay)

Sige po Tay/Tito kami na pong bahala sa kanila mamaya, sabay na sagot naming apat

Tatay Jes: Ohh sya sige mauna na ako at may kailangan paanong asikasuhin bago mag ani mamayang alas kwatro para hindi na masyadong mainit mamitas

Jema: Sige po Tay aasikasuhin na din po namin yung rest house na tutuluyan nila mamaya pagdating nila

Umalis na si Tatay Jes papuntang taniman upang kamustahin ang nag babantay dito at nagtungo na din ang magkakaibigan sa rest house upang ito ay linisan at ayusin para sa mga bisitang darating, sya nga pala si Tatay Jes ang katiwala ni Lola Marie sa farm nila kaya naman sya ang nangangasiwa sa pagpapaani nito, tumutulong lang sina Jema upang may sarili silang kita para sa kanilang pag aaral, sila ang nag aasikaso ng makakain ng mga nagtatrabaho at sila din tumutulong kay Tatay Jes sa pag babudget ng pera para sa mga gastusin sa pananim

Jho: Uii mga bes sa tingin nyo kaya mga gwapo yung dadating mamaya?

Ced: Sana mga gwapo (nakangiti at tila kinikilig na pag sang ayon sa kaibigan)

Ate Den: Alam nyo kayong dalawa talaga puro kalokohan ang laman ng mga kokote nyo noh, tara na nga Jema at baka mahawa pa tayo sa dalawang ito (natatawa nyang sambit)

Jema: Kaya nga ate, tara na (natatawa din nyang sagot)

Jho/Ced: Grabi kayo sa amin (nagmamaktol nilang sagot)

Napailing na lang ang dalawa dahil sa inasal ng mga kaibigan nila

Bandang alas dyes ng tanghali ay natapos na ang apat sa paglilinis at pag aayos ng rest house at nagpasya  naman silang magluto sa kabilang kubo para sa mga nagtatrabaho sa farm, nagkukwentuhan lang sila habang nagluluto hanggang sa matapos sila sa kanilang ginagawa at naghain na sa hapag kainan upang makakain na sila ng sabay sabay

Ate Den: Ced tawagin mo na sila Tito at ng makakain na tayo mag aalas dose na din naman sakto ito para sa tanghalian

Ced: Sige ate tatawagin ko na sila

Naglakad na si Ced papuntang farm upang tawagin sila para mananghalian, di naman ganun kalayo sa kubo ang mismong farm kung nasaan ang mga nagtatrabaho kaya madali siyang nakarating doon

Ced: Tito kakain na daw po (sigaw niya na sya namang nakaagaw ng pansin ni Tatay Jes)

Tatay Jes: Sige iha susunod na kami tatapusin na lang namin itong ginagawa namin para mamaya eii ani na lang ng ani (nakangiti nitong sagot)

Ced: Sige po ( sabay lakad pabalik sa kubo)

Jema: Ohh saan na sila?

Ced: Susunod na daw sila tatapusin na lang daw nila ang ginagawa nila

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now