Chapter 35

1.5K 36 6
                                    

Gretchen's POV

Finally I got my point of view haha......kidding aside hehe so ito seryoso na.......so it's been a months since nung nakilala namin ang grupo nila Fille and I can say na mas naging masaya ang bawat araw dahil mas dumami ang group of friends namin, alam nyo naman guys na nung wala pa sila Alyssa dito eh kami kami lang nila A at ng wafs ang laging magkakasama pero nung nakilala namin sila ay mas naging masaya at masigla ang paligid namin, aaminin ko na sa ilang buwan na nakilala namin sila ay alam kong hindi na lang pagiging kaibigan ang tingin ko kay Fille ganun din sila A at Marge kila Dzi at Jirah kaya naman naisipan namin na magpatulong kila Ly sa pinaplano naming panliligaw kila Fille



" Ohh anong gusto nyong gawin namin" tanong ni Ly



" Simple lang, dalhin nyo lang silang tatlo sa lugar na napag usapan natin" sagot ni A sa kanya



" Ano naman ang idadahilan namin kila Jema pag nagtanong sila na bakit sila Ate Fille lang ang isasama namin" tanong naman ni Deanna, oo nga noh nawala sa isip ko na sa tuwing nagyayaya ng lakad ay lahat sila kasama pero bahala na, sila na lang ang paiisipin ko ng idadahilan nila haha



" Bahala na kayo, kaya nyo ng lusutan yan" sagot ko naman kaya pare pareho silang masama ang tingin sa akin haha eh sa hindi ko napaghandaan yun



" Alam mo Ate Gretch, bilib na sana ako sayo eh kasi nagkalakas na kayo ng loob para mangligaw kaso pumalpak sa kabilang banda at kami pa ang mamomroblema sa bagay na yun" haha sorry na Bei, hindi ko talaga napaghandaan



" Sorry na guys eh sa hindi ko talaga napaghandaan eh" mag paawa effect tayo baka gumana haha



" Wag ka ng magpaawa Ate di yan eepekto sa amin ngayon lalo pa at binigyan mo kami ng problema" sabi naman ni Jaycel na halatang problemado din haha, kung nagtataka kayo bakit ganyan sila kaproblemado? simple lang haha takot sila kila Yumi na magsinungaling dahil sa maikling panahon ay kilala na sila ng mga yun I mean kilala na nila kami, kung nagsisinungaling ba kami o hindi kaya ayan mga problematic, bait kong kaibigan diba haha



" What if guys unahin nating ayain sila Pongs tapos sabihin na lang natin na magpaiwan saglit sila Ate Dzi kasi may importanteng bagay lang na kailangan munang ayusin or di kaya sabihin nating may emergency sila Ate Gretch at kailangan sila?" patanong na suggestion ni Maddie



" Ok sana yung second suggestion mo eh kaso lang baka bombahin tayo ng tanong ng mga yun kung napano sila Ate Gretch at lalong hindi papayag sila Jema na hindi sumama dahil emergency nga!" sagot ni Deanna kay Maddie



Haha ang laking problema naman eh, di pa nga namin mga girlfriend mukhang under na agad haha "maka girlfriend akala mo sure ng papayagang mangligaw haha"



" Hey guys!" pambungad na bati ni Ara pagdating nila " Bakit ganyan ang mga mukha ng mga yan, parang pinagsukluban ng langit at lupa haha" natatawang sabi pa nya ng mapansin ang busangot ng mukha nila Deanna



" Eh pano itong sila Ate Gretch magpaplanong manligaw tapos kami din ang mamomroblema" si Jaycel na ang sumagot sa tanong nya pero nakabusangot pa din haha



" Oh yun naman pala eh, nagbibinatang dalaga na haha at tsaka ano bang pinoproblema nyo baka makatulong kami" sabi naman ni Mika na nagpaaliwalas sa mga mukha nila Ly na kanina pa nakasimangot



Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now