Chapter 15

1.9K 56 4
                                    

Deanna's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa poso para sa huling timba ng tubig ng may bigla na lang nagsilapitang mga babaeng di namin kilala at hinarang na kami, kinukulit nila kami at tanong ng tanong

Girl 1: Hi cuties, anong mga pangalan nyo? (medyo malanding pagtanong)

Girl 2: Saan kayo nakatira mga cutie para naman madalaw namin kayo (medyo malandi ding banggit nya)

Girl 3: Bakit ang tahimik nyo, mga pipi ba kayo?

Tots: Hindi naman sa ganun, di lang talaga kami sanay makipag usap sa hindi namin kilala

Girl 4: Ayun nagsalita din ang isa sa inyo, pano naman kayong tatlo di nyo man lang ba ipaparinig ang boses nyo sa amin?

Girl 3: Sayang naman yang kakyutan nyo kung hindi kayo magsasalita

Bea: Ahm.... ano kasi girls kailangan na naming umalis magsisimba pa kasi kami

Girl 2: Mamaya na kayo umalis mga cutie kararating lang nga namin eh aalis na kayo agad

Aly: Ahh kailangan na talaga naming umalis eii hinihintay na nila sa kami sa bahay

Girl 1: Hayaan nyo na muna ang mga tao sa bahay nyo makakapag hintay naman yun sila

Deanna: Ahh sorry pero kailangan na talaga naming umalis eii baka magalit na yung mga kasama namin kasi magsisimba pa kami at baka mahuli na kami sa misa

Girl 3: Next Sunday na kayo magsimba cutie pasyal na lang muna tayo (sabay ngiti ng malandi), tapos papaligayahin namin kayo (bulong nito na tama lang marinig ng apat sabay kindat)

Nagtayuan naman ang balahibo nila dahil sa sinabi nito kaya naman natawag na nila sa kanilang isipan ang lahat ng pwedeng tawaging Santo para makaalis na sila dahil hindi na talaga sila komportable na kausap ang apat na babaeng kanina pa sila nilalandi

Aly: A- ahh......we... we really need to go na sige huh bye

Aalis na sana sila ng bigla sila nitong hawakan sa kanilang braso na ikinagulat nila na naging dahilan para tumayo na naman ang lahat ng pwedeng tumayo sa kanila dahil sa pagkakahalawak ng mga ito sa braso nila

Girl 4: Cuties naman tinatakasan nyo naman kami eii

Girl 1: Bakit ba ayaw nyong makipag usap sa amin? (sabay kagat ng pang ibabang labi)

Bea: A- ano ka- kasi ma- malelate na kami sa misa (sh*t bakit ngayon pa ako nautal)

Girl 2: Ohh cutie bakit ka nauutal? (sabay lapit kay Bea kaya napaatras ang isa na naging dahilan para mabitawan nya ang timbang kanyang buhat buhat at di sinasadyang mabagsakan ang sariling paa)

Bea: Ahh sh*t ang sakit (sabay upo ko at hawak sa paang nabagsakan ng timbang may tubig)

Girl 2: OMG cutie I'm sorry (sabay upo din at hawak ulit sa braso ni Bea)

Nakita naman nila Jho na nakaupo si Bea at tila hinihimas himas nito ang kanyang paa, napansin din nilang di na talaga komportable ang tatlo sa pagkakahawak ng tatlo pang babae sa braso nila kaya dali dali na silang lumapit sa mga ito

Jho: Anong nangyari sa paa mo Bei?

Napaangat naman ng ulo si Bea habang napalingon naman sila Aly sa likod nila upang makita kung sino ang  nagsalita

Bea: Jho! (sabay tayo ko agad kaya napabitaw ang babaeng nakahawak sa akin kanina) ano ahh nabagsakan ng timbang may tubig nabitawan ko kasi

Nico: Ang tanga naman timba na lang mabibitawan pa, pabulong na sabi nito na ikinatawa naman ng mga kaibigan nya ngunit narinig pa din ito nila Bea

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now