Chapter 34

1.3K 40 10
                                    

Jema's POV

It's Saturday morning at wala kaming magawa ngayon dito sa bahay, kanya kanyang gawa ng paraan para lang maging busy, si Ate Den nagbabasa, ako nagdodrawing ng kung ano ano lang sila Ate Dzi, Ate Fille at Jirah nanonood sa loptop, si Pongs nagmumusic, si Jho at Ced naman ewan kung ano ang ginagawa sa cellphone naglalaro siguro......basta napaka boring talaga ng araw na 'to, habang busy kaming lahat ay may biglang nagsalita mula sa pintuan pagtingin namin si Deanna pala at nakabihis, si Ate Den na ang kumausap sa kanya yayayain pala kaming lumabas hehe buti na lang at nag-aya sila kaya umakyat kami at nag ayos, after naming mag ayos ay bumababa na din kami ang cute pa nga nila nung sinabi ni Deanna na hindi kami kakasya sa sasakyan nila kaya inoffer na lang ni Ate Den yung isang van namin at si Deanna na ang nagprisintang mag drive syempre ako ang umupo sa passenger seat tapos sila sa loob hehe. Habang on the way kami ay pasulyap sulyap ako kay Deans na patingin tingin sa cellphone nya.....wala lang cute nya kasi eh hehe





" Ahh guys nag text si Ate A sabi nya dun na lang daw tayo tumuloy sa isang resto na malapit lang din sa pupuntahan natin mamaya, breakfast daw muna kasi di pa sila nagbebreakfast" sabi nya....ahh nag text pala si Ate A akala ko may katextmate





" Kung sa atin pabor, di ko lang alam dito kila Den kung nag breakfast na sila" sagot ni Ate Ly





" Yeah ok lang din, di pa din kami nagbebreakfast" sabi naman ni Ate Den





" Good, masarap daw dun sabi nila tsaka sagot na daw nya ang gastos haha" pagkasabi nun ni Deanna ay biglang napaubo si Bea





" Ok ka lang Bea?" alalang tanong ni Jho sa katabi nya





" Ok lang ako Jho baka may nakaalala lang sa akin kaya ako nasamid" sagot nya pero masama ang tingin kay Deanna na nakangiti lang sa kanya, anong meron at ganyan sya makatingin kay Deans





" Saan daw ba tayo kakain" tanong naman ni Ate Dzi





" Sa BDL Resto" ngiting sagot ni Deanna, hmm mayayaman nga naman gusto sa mga mamahalin





" Bigatin talaga ang mga yun kung mang libre ahh" sabi naman ni Jirah, nakaraang linggo kasi after namin mag mall ay tumambay kami sa ACV Coffee Shop eh mamahalin din yun kasi hindi lang simpleng kape ang tinitinda nila at sila Gretch din ang nang libre nun






" Sya nga pala guys, kasama nga pala nila Mika, Ara, at Kim ang mga girlfriend nila tsaka kasama din nila yung isa pa naming kaibigan at girlfriend nun" sabi naman ni Jaycel nung huminto na ang sinasakyan namin sa harap ng resto





" Ok lang mas maganda nga yun, di ba nga the more the happier" sabi ni Ponggay ng makababa na kaming lahat at naglalakad na papasok sa loob





Pagkapasok namin ay agad kaming ginuide ng isang staff papunta sa VIP room, hmm susyal talaga di paVIP pang nalalaman eh haha.....so yun nga sa VIP kami dinala ng isang staff bago sya umalis, si Maddie na ang kumatok muna bago buksan ang pinto, pagkapasok namin ay sila Ate Gretch, Ate A at Marge agad ang nakita namin dahil nakaharap sila sa pinto and alam kong sila Kim ang nakatalikod pero hindi ko makilala ang likod ng tatlo pang babae





" Dyan na pala kayo, maupo na kayo at nakapag order na kami" yaya sa amin ni Marge





" Wala pa siguro kami dito Marge kasi nakatayo na kami dito sa harap nyo ohh" pambabara ni Tots sa sinabi ni Marge





Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now