Chapter 33

1.3K 44 2
                                    

Fast forward na tayo guys

Deanna's POV

It's been a month when we decided na sabihin kila Jema na childhood friends namin sila Ate Gretch and now here we are sa bahay at nakatambay lang dahil sabado at walang pasok

" It's so boring here guys, ano kaya kung yayain natin sila Ate Gretch na mamasyal" suggestion ni Ate Bei

" That's a great idea Bei" basta galaan ang bilis nitong si Caloy tsk tsk

" Oh sige ako na ang tatawag baka kasi kung isa sa inyo kung ano ano pa ang sabihin nyo" sabi ni Ate Ly tsaka kinuha ang phone at nag dial

Habang kausap ni Ate Ly si Ate Gretch ay ginawa kong busy ang sarili ko paglalaro ng candy crash sa cellphone ko, wag kayo guys nag eenjoy akong laruin 'to haha, hininto ko ang paglalaro ng bumalik na si Ate Ly sa loob sure akong tapos na silang mag usap ni Ate Gretch

Natural pumasok na nga sa loob di ba alangan namang pumasok na sya ng hindi pa sila tapos mag usap, sabat ng kung sino sa isip ko

Pwede namang pumasok kahit nag uusap pa di ba, sagot ko naman

Edi kung papasok sya dyan ng may kausap hindi sila makakapag usap ng matino dahil hindi kayo matitino, sagot nya naman

Napaisip ako bigla na para akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko at nung marealize ko na tama ang iniisip ko ay napailing na lang ako, ganito pala ang nagagawa ng kaboringan haha nakakabaliw

" Oh Deanna napano ka at ngumingiti ngiti ka dyan habang iiling iling" tanong ni Ate Ly sa akin

" Wala naman Ate, natuwa lang ako kasi nalampasan ko na din itong stage na isang linggo ko ng nilalaro ngayon ko lang natapos" pagdadahilan ko pero half true naman haha

" Ewan ko sayo haha" sabi nya sa akin bago umupo sa tabi ni Jaycel na busy naman sa pagbabasa ng anime mangga " So guys payag daw sila mag EK na lang daw tayo tapos yayain na din daw natin sila Den para mas mayasa kasi mas madami" sabi pa nya

" Asus ang sabihin nya gusto nya lang makasama si Ate Fille haha" natatawang sabi ni Jaycel habang busy pa din sa pagbabasa

" Bakit ikaw ayaw mo bang makasama ulit si Yumi?" pang aalaska naman sa kanya ni Tots, akala mo sya ayaw makasama si Ced

Bakit ikaw ayaw mo bang makasama si Jema?, ayan na naman po sya nagpapapansin na naman

Syempre gusto, sagot ko naman oh di ba para akong baliw magrereklamo pero sasagot din haha

" Maalala ko nga pala Ate Dean, what do you mean by " she's the girl in my dream Jayce" yung binulong mo sa akin nung first time natin silang makita"  pag iba ni Jaycel ng usapan haha galing lumiko ng topic eh pero sinagot ko na lang sya baka ako pa ang mapag buntungan ng tanong haha

" Ahh yun ba, di ba three months na pinagamit sa amin yung Dream Machine na binili nila Dad? sila yung apat na babaeng naging karelasyon namin sa panaginip na yun" sagot ko sa kanya

" Ahh sila pala, eh sino naman sa kanila ang naging girlfriend mo at kila Ate Ly?" tanong nya ulit

" Ang sa akin si Jema, kay Ate Ly naman si Ate Den, kay Ate Bei si Jho tapos ang kay Caloy si Ced" sagot ko ulit pero busy na ulit ako sa paglalaro haha

" Oh wow, I think magkakatotoo yung panaginip nyo" sabat naman ni Maddie

" Pano mo naman nasabi" takang tanong ni Ate Bei

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now