Chapter 24

1.7K 58 4
                                    

*Continuation ng last chapter

Maaga akong nagising para ipagluto ang mahal ko pero laking gulat ko ng makita ko si Caloy na nagluluto na, "aga naman nagising nito? babawi siguro kay Ced haha" isip isip ko ng makita ko syang tutok sa ginagawa nya kaya di ko na muna inistorbo at nagtimpla na lang ako ng kape para sa amin ni Den, after ko magtimpla ay bumalik na ako sa kwarto namin dala ang tinimpla kong kape



" Hey Hon wake up na" gising ko sa mahal kong himbing pa sa pagtulog " Hey Hon bangon na dyan lalamig na yung kape na tinimpla ko para sayo" panggigising ko pa din sa kanya, kasi naman po niyakap lang ako nung unang gising ko sa kanya



" 5 more minutes Hon please" sagot nya in her sleepy voice



" No Hon, lalamig yung kape, sige na bumangon ka na dyan at papasok pa tayong office tsaka di ba sabi mo gusto mong makita yung business na pag aari ko mismo? kaya sige na Hon bangon na dyan" pagpipilit ko pa sa kanya habang tinatapik tapik ko ng mahina ang kanyang pisngi



" Eh Hon antok pa ako eii" parang bata nyang reklamo kaya natawa ako ng mahina dahil sa inasta nya



" Ok 5 minutes lang huh tapos gigisingin na kita, sige na go back to sleep na love you Hon" pagpayag ko sa gusto nya bago ko sya halikan sa noo tapos lumabas ng kwarto dala ang kapeng tinimpla ko, paglabas ko ng kwarto sakto namang lumabas si Bea sa kwarto nila kaya binigay ko na lang sa kanya yung kape sinabi ko na lang na ayaw pa kasing bumangon ni Den at sayang naman kung itatapon ko lang kaya tinanggap nya na lang yun bago bumaba, after kung maibigay sa kanya yung kape bumalik na ako sa kwarto at tinabihan na lang si Den sa pagtulog since wala pa naman silang gagawin ngayon dahil busy sila Tyang ngayong araw kaya wala ding magtetrain sa kanila



Di ko na namalayan ang oras at pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay alas otso na pala at wala na sa tabi ko si Den, baka bumaba na sabi ko na lang sa sarili ko kaya nag ayos na lang ako ng sarili bago lumabas ng kwarto, naabutan ko silang nagkukwentuhan sa sala ng makababa ako ay agad naman akong sinalubong ni Den ng ngiti at halik sa pisngi ng makita nya akong papalapit na ako sa kanila



" Good morning Hon, di na kita ginising kasi nakita kong ang sarap na ulit ng tulog mo, sorry di ko nainom yung kapeng tinimpla mo" malungkot nyang sabi



" Ano ka ba Hon ok lang yun at least bastante ang tulog mo" nakangiti kong sagot bago sya halikan sa noo " morning guys musta tulog?" baling ko sa mga kasama namin dito sa bahay


" Ok naman 'Te medyo masakit lang yung balakang ko haha" natatawang sagot ni Deanna


" Oh ei bakit naman Dean's?" takang tanong ni Bea sa kanya


" Paki tanong na lang yung katabi ko matulog, after ko kasi syang imassage ei nahiga na din ako sa tabi nya tapos namalayan ko na lang nasa baba na ako ng kama at masakit na yung balakang ko hahahaha" pang aasar nyang sabi habang nakatingin kay Jema ng nakakaloko haha mukhang trip nyang asarin si Jema ng maaga haha tingnan na lang natin kung hanggang saan ang pang aasar nito pag sinakyan ko ang trip nya


" Ahh ganun ba, buti pa ako ang sarap ng tulog kasi naman may katabi akong magandang dilag na ang sarap din ng tulog nya at hindi naninipa haha" panggatong ko sa sinabi ni Dean's bago inakbayan si Den kaya medyo namula sya sa ginawa ko haha ang cute nya lalo


" Buti na lang ako kahit bad shot kagabi ei hindi nadatnan ang sarili sa baba ng kama" sabat naman ni Caloy haha I think na gets na nila ang ginagawang pang aasar ni Dean's kay Jema, ewan ko ba bakit ang aga nyang pagtripan ang girlfriend nya haha bahala sya sa buhay nya pag di sya pinansin ng isa mamaya haha


Sasagot pa sana ako pero biglang may binulong sa akin si Den na huwag ko na daw gatungan pa kasi nakikita nyang naiinis na si Jema kaya hindi ko na lang tinuloy dahil nakita ko ng nakabusangot na nga si Jema sa inis bahala na si Deanna dyan sinimulan nya yan kaya ayusin nya din haha
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Fast forward na agad guys haha

Someone's POV

It's been a year since nagdecide sila na tanungin sila Jema to be their girlfriend in a formal way kasi nga naisip nila na naging sila dahil lang sa panggugulo ng mga kababata ng apat sa lugar nila. They were just hanging out sa sala ng bahay nila since hindi sila pumasok ng company para magpahinga kahit isang araw lang



" It's been a year na din nung tanungin natin sila to be our girlfriend into formal way, why not let's put it into a next level" pambasag ni Bea sa katahimikang namamayani sa kanilang apat


" What do mean Bei?" Tanong ni Tots na tila di nakuha ang ibig sabihin ni Bea


" Tots what Bea said is why not let's proposed to them na since ok naman na ang estado natin sa buhay" paliwanag ni Deanna sa kaibigan



" Don't you think it's to early for that? Bago pa lang sila nagsisimulang makatulong kila Tatay Jes alam naman natin na gusto nilang nasa ayos na ang buhay nila Tatay bago sila bumuo ng sarili nilang pamilya diba" Aly butted in to their conversation


" Ate Aly was right" pagsang ayon naman ni Tots sa sinabi ni Aly


" Yeah, but we can plan it naman kahit di pa natin ngayon gagawin di ba" pagpupumilit pa din no Bea sa suggestion nya


" Bea have a point about that, so ano game ba kayong dalawa?" tanong naman ni Deanna sa dalawa


" Well if it is only planning pa lang naman edi game ako dyan" ngiting sagot ni Aly


" Eh ikaw Tots game ka ba?" tanong naman ni Bea kay Tots


" Kung game kayong tatlo edi game ba din ako wala naman na akong magagawa eii hehe" pagsang ayon nya sa usapan


" So yun game ang lahat kaya naman let's na" masiglang pagyaya ni Bea sa lahat


Sa buong araw nila na nakatambay lang sa bahay ay nag plano lang sila ng kung anong magandang gawin sa gagawin nilang proposal



================================

Sorry guys natagalan na nga ang lame pa, busy lang talaga. Di ko mapapangako na makakapag update ako always pero promise ko na tatapusin ko ang mga story na sinusulat ko😊

LOVE LOTS GUYS😘💛

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now