Chapter 31

1.5K 57 7
                                    

Deanna's POV

Hindi natuloy yung usapan namin nung Monday na pupunta sila dito kinabukasan dahil may pasok pa kinaumagahan nun kaya ngayong sabado na lang namin tinuloy, nandito kami ngayon sa bahay ko dahil sabi ni Mad's na dito ang sinabi nya kay Mika para magkita kita kami. Habang wala pa sila ay napag isipan namin na pag usapan muna kung pano ang gagawin namin para malaman kung sino ba talaga ang mga taong gustong kumalaban sa pamilya namin, yun naman talaga ang purpose kung bakit kami pinayagan nila Dad na mag aral na sa University at hindi na mag home school. May nakapag sabi kasi kila Dad na may gustong angkinin ang school na 'to dahil ayon sa kanila ay may nakatago ditong kayamanan which is alam namin dahil naikwento na sa amin ang about dun, ang gagawin lang namin ay alamin kung sino ang mga taong gustong makakuha ng kayamanang yun, kung tinatanong nyo kung anong kayamanan yun eh di ko muna sasabihin malalaman nyo din naman hehe

" Wala pa ba sila" tanong ni Ate Ly na kakalabas lang galing sa kusina, sya kasi ang cook namin, masarap magluto eh lalo na yung chicken adobo nya

" Mika called earlier malapit na daw sila" sabi ni Mad's na galing sa taas

" Buti naman kung ganun akala ko aabutin pa sila ng pasko bago makarating dito" hay Totsie napaka mainipin mo talaga kahit kailan

" Maghintay ka na nga lang, wag ka ng magreklamo dyan" okay start na naman ba ng bangayan ng dalawang 'to?

" Ate Bei, wag mo ng simulan yang si Caloy alam mo namang pikon yan lalo na pagdating sayo" sabad ni Jaycel, haha inis talaga 'tong isang 'to kapag nagbabangayan na ang dalawa ang sakit daw kasi sa tenga

Hindi na lang nagsalita pa ang dalawa dahil alam nila na kapag nagpatuloy pa sila ay hindi lang si Jaycel ang magrereklamo kundi pati na din kami. Ilang sandali lang ay nakarinig na kami ng busina mula sa labas, nandyan na siguro sila

" Wazzup madlang pipol" sigaw ni Marge pagkapasok na pagkapasok nila ng bahay kaya ayun nabatukan ni Ate Gretch

" Makasigaw ka naman Margarita akala mo wala kang katabi" buti nga haha ang ingay kasi pareho lang sila ni Tots at pareho ding mga pikon, tingnan nyo magrereklamo yan

" Inaano ba kita dyan Greta huh kung makabatok ka akala mo hindi naglalaro ng volleyball eh" see I told you guys magrereklamo yan haha

" Oo hindi mo ako inaano pero yang bunganga mo nakakarindi" may pagduro pang kasama, itong dalawang 'to parang si Ate Bei at Caloy parang mga aso't pusa din kung magbangayan

" Eh...... mmmmmmm" naputol na ang sasabihin nya dahil tinakpan na ni Kim ang bunganga nya, sya naman ang ka same vibes ni Ate Ly seryoso sa buhay

" Wag ka ng sumagot pa Marge hahaba pa ang bangayan nyo nyan eh" suway nya pa " Kamusta ang buhay sa US mga tol" baling nyang tanong sa amin habang naglalakad papalapit sa amin na hawak pa din si Marge, baka magngalngal na naman

" Ok lang naman, simula nung lumipat kami dun eh kulong lang sa bahay, alam mo naman" medyo matamlay kong sagot, totoo naman kasi eh buong buhay namin sa US nasa bahay lang kami dahil baka daw kami pa ang gawing dahilan para pabagsakin sila Dad

" For sure sobrang boring nun haha buti pa kami dito, gala dito gala doon" sige Miks ipamukha mo pa sa amin na wala kaming freedom nung nandun kami, kinakalimutan na nga ipapaalala pa

" Tama na nga yan, wag nyo ng ipaalala sa kanila kung gaano kaboring ang buhay ng isang taong bahay sa loob ng pitong taon haha" matutuwa na sana ako sa unang sinabi nya eh kaso dinugtungan pa

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now