Chapter 42

620 22 2
                                    

Den's POV

Monday na naman at malapit na ang school activities....haist makakasama na naman namin sila L.A sa team, wala naman kaming choice ehh kailangan namin makisama sa kanila para makapaglaro at maging representative ng school, sana may laro din sila Ly para sa kanila na lang kami makipag team- up nakakasawa na kasi ang kayabangan ng team ni L.A

" Mga Ate di ba ngayon na iaannounce yung about sa school activities?" tanong ni Yumi, alam namin na ngayon iaannounce kasi always namang 2 weeks before ng school activities ang announcement para makapag prepare na ang bawat team

" Oo Yum's bakit?" tanong sa kanya ni Jema

" Ahh wala teh, naisip ko lang kasi kung may laro din ba sila Jaycel" plain na sagot ni Yumi

" Wait! Oo nga noh may laro kaya ang mga yun?" - Ced

" Sana meron nakakasawa na kasing makisama kila Nico ang yayabang kasi" - Jho

" Sana nga meron" pagsang- ayon ni Ate Dzi sa kanila

" Well mamaya nyo na isipin yan at baka malate na tayo sa school" singit naman ni Ate Fille sa usapan

" Tara na guys ako na magdadrive" prisinta naman ni Ate Jirah kaya naman sumunod na kami sa kanya papuntang van

While on our way to school napaisip ako na if ever may laro sila Ly sa kanila talaga kami makikipag team dahil sawang- sawa na talaga kami sa kayabang nila L.A

" Oh pano girls kita- kita na lang sa gymnasium mamaya and sana talaga may laro sila Gretch" well hindi lang ikaw ang nagdadasal na meron silang laro Ate Fille

" Kaya nga Ate ehh, sige dito na kami...see yah later" - Jho

After namin magpaalam ay naglakad na kami papuntang room at sa kasamaang palad wala pa ang grupo nila Ly at tanging grupo lang ni L.A ang nandito at iba pa naming classmates

" Ohh hi Den, hi girls tamang- tama ang dating nyo makakapag usap pa tayo ng about sa school activities na magaganap habang di pa sila nag announce" masayang bati sa amin ni L.A

" Sorry Kuya L.A pero may ka- team na kami ehh, di ba po mga Ate?" naku po Yumi di pa nga tayo sure kung may laro sila o wala ehh

" Huh? pinagsasabi mo Yumi? may ka- team ehh wala namang ibang  pwedeng maging ka- team nyo pa dito maliban sa amin ehh, kami lang naman ang may karapatan na maging ka- team nyo at alam ng lahat yun" mayabang na sabi naman ni Fhen

" Sorry Fhen pero totoo yung sinabi ni Yumi na may ka- team na kami at hindi kayo yun....tara na girls" sabay una ni Ced sa upuan namin

Di ko alam pero bakit parang feeling ko may hindi magandang mangyayari hindi ko lang alam kung kailan......hayy naku baka napapraning lang ako

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Aly's POV

Today iaannounce ang about sa school activities and since alam na namin ang tungkol dun ehh di na kami mabibigla.......on the way to our room narinig naming kinakausap nila L.A sila Den about sa pagiging teammates nila at narinig din namin kung paano sila tanggihan nila Den......magrereklamo pa sana si Fhen pero biglang sumabat itong si Caloy, hindi na siguro nakapagpigil kaya ayun

" Ahh yeah may ka- team na sila" painosenteng sabat nya sa usapan

" At sino naman huh? kayo? ehh ni wal...." di na natapos ni Mark ang gusto nyang sabihin ng magsalita ulit si Caloy

" Ehh ano naman kung kami may masama ba dun?" hay pag umiral talaga ang pagiging buraot ni Caloy ang hirap ng patigilin maliban na lang kung ako o sino sa amin ang aawat bago hihinto

" Ang yabang mo ahh" inis na sabi ni Nico

" Hindi ako mayabang, pinalaki ako ng parents ko na mabait and fyi lang nagsasabi lang naman ako ng totoo ehh" hay naku Caloy

" Aba't...." sasabat pa sana ulit si Nico ng biglang dumating ang Prof namin kaya nanahimik na sya at umupo na kami sa upuan namin

" Ok so as you all know that we we're celebrating our school activities yearly right?" and we all answered him Yes " Now I'm expecting you already have your team and I know Mr. Revilla's team last year will be a teammates this year right?" sasagot pa sana si L.A ng biglang unahan sya ni Den sumagot

" No Sir sorry....I mean hindi na po sila L.A ang ka- team namin" takang tumingin si Prof kaya naman tinuloy nya ang kanyang sinabi " Sila Aly na po ang bago naming ka- team" kita ko ang pagka bigla sa mga lahat dahil sa sagot pero di na ko na lang pinansin yun at nakinig na lang sa iba pang naging announcement ni Prof

Well sa totoo lang medyo nabigla kami dun kasi di naman namin expect na kami nga ang tinutukoy nilang bagong teammates, ang kay Tots kasi kanina ehh trip nya lang yun para inisin sila L.A pero ok na din yun kasi naging pabor na din sa amin dahil hindi na namin kailangan pa sila tanungin sila na mismo na ang nagsabi na kami na ang bagi nilang teammates

================================

Lugaw😅

LOVE LOTS GUYS 😘❤️

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now