Chapter 17

1.9K 55 3
                                    

Jema's POV

Gabi na kaming nakauwi dahil doon na din kami kumain ng dinner para pahinga na agad pag uwi pero dito muna kami tumambay nila Ate Den sa sala para makapagpahinga saglit bago umakyat sa kwarto namin, buti na lang at nauna ng umuwi sila Fhen hindi na sila sumabay sa amin kumain dahil kanina pa kami naiinis sa kanila kakasunod sa amin nila Deanna, hindi tuloy namin maenjoy ng husto dahil may asungot sa likod namin pero kahit ganun masaya pa din naman dahil nakita naming nag enjoy ng husto ang bunso naming kapatid at nakapag relax din sila Nanay kahit papaano dahil sa naging alok ni Deanna sa kanila. Nahinto ako sa pagbabalik alaala ng mga ginawa namin ng may iabot si Mafe sa aming apat na mga paper bag

Jema: Ano yan? (tanong ko sa kanya)

Mafe: Paper bag Ate (sagot ko na may pagtataray)

Jema: Oo alam kong paper bag, I mean aanuhin ko yan (pagtatama ko)

Mafe: Binili yan nila Kuya Ate kanina kasi ayaw nyong sumama sa amin mamili kanina kaya tinanong nila ako kung ano bang klase ng damit at sapatos ang gusto nyo sabi ko yung simple lang kasi ayaw nyo masyado yung pasusyal tingnan (mahabang sagot ko sabay ngiti), ang swerte nyo kila Kuya Ate mga Ate, sige una ako sa taas napagod ako kanina (dugtong ko pa sabay ngiti ulit bago umalis)

Jema: Sige salamat Maf's

Ced: Aii taray galing nila pumili huh (sabi ko pagkakita ko sa dress na binili ni Tots para sa akin, may letter pa kasing nakalagay sa loob ng bag)

Nang dahil sa sinabi ni Ced tiningnan na din namin kung ano ang laman ng bag na hawak namin at katulad nya natuwa din kami at may letter din, kulay yellow ang dress na binili ni Deanna sa akin light blue naman ang kay Ate Den, silver ang kay Jho at red naman ang kay Ced tapos may sapatos pa at sandals na 2 inches ang heels, nung una nagtaka ako bakit may sapatos sa binili nya pero nung nabasa ko ang letter ay para daw may magamit kami kung sakaling may lakad kami or mamamasyal, halatang mamahalin ang sandals kasi kita sa brand haha (a/n: sorry guys wala akong alam sa mga sandals basta iimagine nyo na lang yung ginagamit sa party na may heels😅)

Jho: Teka mga bes nasaan na ba yung apat na yun at wala pa hanggang ngayon sabi nila may babalikan lang sila saglit pero wala pa din sila

Den: Kaya nga eii mag aalas otso na nasa labas pa din sila buti sana kung dito sila lumaki walang problema ang kaso bago lang sila dito kaya di pa nila alam pasikot sikot dito

*beep *beep *beep

Jema: Sila na siguro yan tara silipin natin

Jho: Tara!

---------------

Deanna's POV

Nagpaalam kami na may babalikan lang kami saglit pero ang totoo nun pumunta kami sa resort namin dito sa Laguna para ipaayos ang isang cottage para bukas ng umaga kasi gusto namin na doon kami mag breakfast at deretso unwind na din since may one week na bakasyong binigay ang school nila before ang graduation nila

Tots: Ahh guys bili kaya muna tayo ng pwede nating dalahin bago bumalik sa bahay nila

Bea: Para saan at bibili pa tayo diba pinabigay na natin kay bunso ang mga binili natin para sa kanila

Aly: So nakalimutan mo na ang dinahilan natin sa kanila? diba sabi natin may babalikan tayo kaya umalis ulit tayo kahit gabi na, Hay naku Bea🤦

Deanna: Hahaha naku Ate Bei nagiging makakalimutin ka na

Bea: Ohh ehh sorry naman haha (sabay peace sign ko na lang sa kanila)

Aly: Tara na nga bili na lang tayo ng makakain para kahit papaano may ebidensya kahit nakakain na tayo haha

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now