Chapter 32

1.2K 42 0
                                    

Den's POV

Monday na naman at hindi ko alam kung bakit ang excited kong bumangon at agad na tumuloy sa kusina haha ang hyper ko ngayong umaga, nakita ko si Manang sa kusina na nagluluto na ng almusal namin kaya binati ko na


" Good morning po Manang" nakangiting bati ko sa kanya


" Oh ang aga mo namang bumangon iha at parang ang sigla sigla mo yata" may pagtatakang tanong ni Manang


" Wala naman po Manang, masaya lang po ako ngayon hehe" sabi ko tapos kumuha ng tasa para magtimpla ng gatas, oh di ba di gatas pa kahit kolehiyo na kami haha eh sa mas gusto ko ang gatas kaysa sa kape bakit ba (with matching pagtataray)


Nagpatuloy lang si Manang sa pagluluto at hindi na nga ako pinansin sa ginagawa ko, maya maya pa ay may nagsalita sa likuran namin kaya napalingon ako si Dzi lang pala


" Bakit parang ang sigla mo ngayon Den samantalang kahapon at nakaraang araw ay ang tamlay tamlay mo" sabi ni Dzi habang kumukuha ng tasa para magtimpla din ng gatas


" Wala naman, masama bang maging masaya huh" pagtataray ko sa kanya


" Ang sabihin mo kaya ka masaya ngayon dahil makikita mo na naman si Alyssa" singit ni Jema sa usapan namin, oo nga pala hindi ko pa ito nainterview about dun sa pasulyap sulyap nya kay Deanna habang kumakain kami sa caf sa loob ng one week


" Bakit ikaw hindi ka ba masaya na makikita mo na naman si Deanna?" matching taas baba ng kilay pa ako nyan, aasarin ko lang Naman haha at ayun ang gaga nangamatis sa pula hahaha

" Che!" Ohha kinilig ang gaga haha


" Bakit namumula Jema" sige Jho tulungan mo akong asarin ang isang 'to


" Tigilan nyo nga ako, bilisan nyo na lang at mag ayos ng sarili para makapasok na tayo" sabi nya at sumandok na ng pagkain na hinain ni Manang


" Ay Jema napaghahalataang excited kang makita si Deanna haha" pang aasar pa sa kanya ni Ponggay haha


Nagpatuloy na lang kami sa pagkain kasi yung isa ang sama na ng tingin sa amin haha after kumain at mag ayos ay umalis na kami ng bahay


" Oo nga pala Dzi sabay kayo sa amin mamaya huh, oopps wag ka ng kumontra at huwag kang mag alala kasi hindi tayo sa caf kakain may nakita kaming magandang tambayan pag tanghali at tahimik dun" sabi ko sa kanya pagkababa namin alam ko kasing aayaw na naman yun dahil alam nyo na ayaw nila sa maingay


" May magagawa pa ba kami? Sige na kita na lang tayo mamaya sa labas ng caf bago pumunta dun sa lugar na sinasabi mo" sabi na lang nya bago kami naghiwalay ng lakad


Habang naglalakad kami papuntang room ay nakita namin ang ibang lower year na nasa kabilang pintuan ng room, pagsilip namin ay nakita naming sila Alyssa pala ang tinitingnan nila pero parang wala namang pakialam yung anim kasi busy sila sa kakacellphone, pagpasok namin ay tsaka lang sila huminto mag cellphone at binati kami


" Good morning Den" naku Alyssa wag kang ngumiti ng ganyan baka mahalikan kita ng wala sa oras


" Good morning din Ly" ngiting bati ko din sa kanya


" So sya lang talaga ang babaitiin mo Ly?" inggit ka lang Jho eh kasi di ka binati ni Bea


" Ahh good morning din sa inyo Jho" oh ayan happy ka na Jho kasi binati ka na ni Alyssa


Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now