Chapter 45

828 24 8
                                    

Deanna's POV

Nakakatakot pa lang magalit si Ate Dzi kawawa naman si Ate A kung ganun haha pero kidding aside nakakatakot talaga sya kaya nga masasabi kong yari itong si Ate Gretch kapag di sya nakapagbigay ng valid reason kung bakit nasigawan nya si Ate Fille




" Well ahh........ehh.......ano kasi.....ano ahm" di matuloy tuloy ni Ate Gretch ang gusto nyang sabihin pero buti na lang at to the rescue itong si Ate Fille sa kanya





" Ahh don't worry Dzi, she already explained why kanina nung sinundan nya ako" agarang sabi ni Ate Fille nung nakita nyang mukhang di na makapag salita ng maayos si Ate Gretch





" I don't care Fille, you know me well na sa lahat ng pinaka ayaw ko eh yung sinisigawan ang kahit na sino sa inyo, wala akong pakialam kahit kilala syang tao kapag sinabi kong ilalayo kita sa kanya ilalayo talaga kita" nakakatakot talaga si Ate Dzi....jeez hinding- hindi ko gagawin kay Jema yan hehe





" No! Dzi please wag mong ilayo sa akin si Fille, ok so first of all sorry kung nasigawan ko sya di ko naman talaga sinasadya eh pagod kasi ako galing work nung tumawag sya so medyo stress ako that time kaya naman nung tumawag sya akala ko isa sa mga tauhan ko ang tumawag kaya nasigawan ko sya" mabilisang paliwanag nya....well kahit sino naman ayaw mawalan ng minamahal " And i'm willing to do everything and when I say everything as in lahat mapatunayan lang sayo na hindi ko talaga ginusto ang nangyari pagod lang talaga ako nun" napa "I'm willing to do everything " si Ate Gretch dun ahh





" Ok fine di ko sya ilalayo sayo but make sure na di na 'to mauulit understood?" napatango naman si Ate Gretch sa sinabi ni Ate Dzi " And no need to do everything ngayon pa lang naman nakikita ko ng nag effort ka talaga para suyuin si Fille" well yes halata naman talagang nag effort dahil sa bulaklak na hawak ni Ate Fille at sa gitarang bitbit nya.......so effort naman talaga ng Ate ko





" Ahm so I think ok na ang lahat dito, ayoko pa man sanang umalis pero may kailangan pa kasi kaming gawin so mag papaalam na kaming umalis kita na lang tayo sa school guys" sayang ayoko pa talaga sanang umalis ehh kaso kailangan





" Ahh sige Ly ingat kayo sa pag uwi" paalala sa amin ni Ate Den.....nginitian na lang sya ni Ate Ly bago kami niyayang umalis na kaya naman nagpaalam na din kami bago sumunod sa kanya





Pagkarating namin dito sa bahay ko eh biglang nagtanong si Ate Gretch sa amin





" Ahh guys may isang bagay kasi na kanina pa gumugulo sa isip ko eh, simula pa nung magkasama kami ni Fille"





" Ano yun Teh?" tanong sa kanya ni Ate Bei





" Well gusto ko lang sana tanungin kung ano ba yung itinanong ko kay Fille nitong mga nakaraang linggo?"





" Huh?" naguguluhang tanong ko






" Ano tsk pano ko ba ieexplain 'to.....ahm kanina kasi nung sinuyo ko si Fille eh kinantahan ko sya tapos after kong kumanta eh umiyak sya so I expect na di nya nagustuhan yung ginawa ko kaya nilapitan ko sya at tinanong kung ok lang ba sya tapos sabi nya oo kaya tinanong ko ulit kung bakit sya umiyak pero di nya sinagot tanong ko but...." mahabang explanation nya pero bitin





" But? wag mo nga kaming binibitin Ate " reklamo ni Tots





" Instead na sumagot ay hinalikan nya ako at sinabing yun daw ang sagot nya sa tanong ko which is hindi ko na maalala kung ano ba yung tinanong ko arrghh" nalilito na medyo naiisnis na sagot nya kay Tots





I think narealise nya ang kanyang sinabi  kaya bigla syang natigilan at ng lingunin nya kami ay binigyan namin sya ng nakakalokong ngiti haha kasi naman she just spill some tea na dapat ay sila lang ni Ate Fille ang nakakaalam sa ngayon haha





" Ohh sh*t" nasabi na lang nya ng mag sink in na sa kanya ang nasabi nya





" Kaya naman pala litong- litong ehh haha alam mo Gretch madali lang naman maalala kung anong itinanong mo sa kanya ehh" sabi ni Ate A sa kanya kaya lalo syang nalito





" Wag mo na ngang dagdagan pa ang pagkalito ko A sabihin mo na lang kung ano ibig mong sabihin" naging mahina ang utak ni Ate Gretch  sa part na 'to haha





" Hay naku ka Greta haha ibig lang naman sabihin ni A na sinasagot ka na ni Fille, kasi alam mo di ka nya hahalikan kung hindi pa nya sinusuklian ang panliligaw mo kaya naman congrats buddy dahil girlfriend mo na ang taong nililigawan mo" ayun ohh ang galing naman ni Ate Marge haha well kahit naman kami ehh na gets na ang sinabi nya sya lang itong hindi dahil siguro sa nangyari kanina





" Kaya naman linawin mo na agad sa kanya yan Ate para hindi ka magmukhang ewan na nagseselos kapag may lumalapit kay Ate Fille habang sya ay alam ng may karapatan na syang pagbawalan ang ibang babae na lapitan ka" sabi ko naman sa kanya





And after that talk nagpahinga na kami dahil gabi na din at may pasok pa kami kinabukasan

.

.

.

.

.

.

.

.

A days had pass at ngayon na ang araw ng school activity namin, we're happy kasi kami talaga ang kasama nila Jema sa team nila for todays celebration pero ang pinagtataka ko ay kung bakit parang medyo kabado ako which is kahit minsan ay di ako nakaramdam ng ganito kaya naman ay pinagsawalang bahala ko na lang ang nararamdaman kong kaba


" Let's go guys malelelate na tayo" tawag sa kanila ni Ate Ly na kanina pa naghihintay sa labas ng bahay kasama ko


" Coming Ate ang tagal kasi nila bababa na lang ng hagdan mababangayan pa kaya lalong tumatagal" reklamo ni Jaycel pagkalabas nya ng bahay


Matapos ang sandaling sermon ni Ate Ly ay tumuloy na din kami papuntang school para hindi na kami tuluyan pang malate, baka kasi pag nagsermon pa sya ng matagal at kami naman ang masremunan nila Ate Gretch dahil sa nalate kami

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now