Chapter 30

1.8K 55 11
                                    

Den's POV

Hi guys I'm Dennise Michell Lazaro isang mag aaral mula sa sikat na University ang ADBJMD University, kilala ang school na ito around the world kasi mga kilalang business tycoon ang may ari nito I mean anak ng isang business tycoon pero hindi pa namin nakikita ang mga anak nila sila pa lang na mga magulang, sabi kasi nila Dad na home schooling lang daw ang mga anak nila para makaiwas daw sa peligro dahil maari raw gamiting pang blackmail sa mga magulang nila kung ilalantad sila, sobrang yaman kasi nila guys napaka daming business kaya marami ang nagtatangkang masamsam ang kayamanan nila pero wala pang nakakagawa dahil sa galing ng mga bantay nila, napaka galing ng mga bantay nila isama mo pa ang mga professional Agents na nagbabantay sa kanila sa malayo kaya hirap ang mga kalaban nilang ibagsak sila..........tama na nga ang kwento malelate na kami sa first day of school

" Hey guys hindi pa ba kayo tapos dyan malelate na tayo" sigaw ko mula sa baba kasama ko dito sa baba sila Dzi at Fille sina Jema, Jho, Ced, Yumi, Ponggay at Jirah naman ay nasa mga kwarto pa kasi nila ang babagal talaga magsikilos, magkakasama kami dito sa bahay or should I say mansion dahil sa laki, pinasadya ito ng mga parents namin na palakihan para sama sama na lang daw kami dito may iba pa kaming mga kaibigan pero di namin kasama dito sa bahay

" Ang tatagal talaga nilang magsikilos malelate na tayo eh" reklamo naman ni Fille na kanina pa naiinis sa mga kasama namin well maging ako man ay naiinis na akala mo kasi party ang pupuntahan sa tagal mag ayos ng sarili

" Wala pa din ba sila" tanong naman ni Dzi na kagagaling lang sa labas dahil chineck na ang kotse nya kung may problema ba ito

" Nandito na kami Ate, pinangkatok ko pa ang mga pinto nila para magmadali na kasi alam kong kanina pa kayo naiinis" biglang sagot ni Yumi mula sa hagdan, buti pa 'tong isang 'to nakakaramdam di tulad ng iba naming kasama dito na parang wala lang sa kanila kahit first day of school pa lang

" Buti naman tara na nga malelate na tayo oh dadaan pa tayong Deans Office para kumuha ng schedule natin" at nauna ng lumabas ng bahay, hay naku Fille napaka mainitin talaga ng ulo mo

" Oh sya tara na guys baka mag hesterikal na yung isang yun pag nagtagal pa tayo dito" sabi na lang ni Dzi at sumunod na kay Fille sa labas ng bahay

Sumunod na din kami sa kanila at sumakay sa kanya kanya naming kotse at pinasibad papuntang school, 15 minutes drive lang naman ang school mula sa subdivision na tinutuluyan namin na pag mamay ari ni Reyes, Mika Reyes to be exact isa ding estudyante ng ADBJMD University, taray di ba student pa lang pero may sarili ng subdivision. Pagkadating namin sa school ay dumeretso na kami sa Office ng Dean para kumuha ng schedule namin at nun ay umalis na din kami agad

" Oh pano girls kita na lang tayo sa caf oh di kaya sa bahay na lang baka di tayo magkita kita sa caf kasi alam nyo na madaming tao dun at ayaw namin nila Jirah at Fille ng masyadong crowded" sabi ni Dzi ng makalabas kami ng Office

" Okay" sagot namin at naghiwalay na ng daan since silang tatlo nila Jirah ang magkakaklase at kaming anim naman nila Jema

Kagagaling lang namin sa office ng Dean dahil kinuha namin ang schedule namin this year and luckily pare pareho kami, naglalakad na kami papunta sa first subject namin ng makita namin ang grupo nila Fhen na may pinagtitripan na naman kaya agad silang sinaway ni Jema at sinundan ko naman, sa loob ng apat na taon namin dito sa magandang paaralan na ito wala na silang ginawang maganda puro katarantaduhan palibhasa kilala ang pamilya nila sa business world. Nahinto kami sa pagtatalo ng magsalita yung matangkad na morena nilang kasama, mahina pero may diin at nakakatakot syang tingnan kaya tinulak na lang namin sila L.A para makadaan sila. Sinundan na lang namin sila hanggang sa mawala na sila sa aming paningin bago kami nag desisyon na pumasok na lang sa first period namin, pagdating namin sa room ay saktong kararating lang din ni Prof kaya nagsimula na kami agad ng klase, mag iisang oras na kaming nagkaklase ng biglang dumating si Dean at kinausap si Prof maya maya pa ay nagpaalam na si Ma'am, napatingin kami sa pinto ng may tawagin si Prof, pagpasok nila ay natigilan ako sa ginagawa ko maging yung iba pa naming kaklase dahil parang sa telesine ang dating ng pagpasok nila sa room, isa isa silang pumasok at tumayo sa harapan bago nagpakilala. Napaka casual lang nilang magpakilala, hindi ko agad napansin na napaka simple lang din pala ng mga suot nila, simpleng plain t-shirt lang at above the knee na maong short pero ang lakas ng dating, after nila magpakilala ay naglakad na sila papunta sa last row na tinuro ni Prof para doon sila umupo

Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now