Witch 19

421 8 0
                                    

Copyright © DianaAranda


-He was hurting too-


The plan was perfect. Naitago ako nila Mommy kay Chase. Although I feel guilty about it, kinailangan ko lang talaga na panindigan ang naging desisyon ko. Almost all my life, dumepende ako sa atensyon ni Chase. Yes, I was able to keep myself from him for years but still, kahit gaano pala talaga kalayo ang tatakbuhin ko, babalik at babalik pa rin talaga ako sa kanya.


He hurted my feelings when he called me a witch for the first time pero hindi ko alam na medyo may pagkamasokista pala ako dahil sa kabila noon ay nagawa ko pa ring magustuhan si Chase. He's different. Something is awesome about him. He's someone special. I dont know if it's his eyes, his looks or the way he treats someone but he surely is a guy for keeps. Pero hindi sya para sakin. He's poisonuos.


Hindi ako umuwi ng bahay sa loob ng apat na buwang iyon. Binili ako ni Mommy ng condo sa isang kilalang building. Nalaman ko na kaya yun ang napili ni Mommy ay dahil mayroon din palang condo dun si Trade. Pinili nya yun para kung bakasakali man na pasundan ni Chase si Trade ay hindi nya malalaman na nasa iisang building lang kami.


Four months passed and I can barely keep it. Nung matanggap ko ang diploma ko na dinala lang sakin ni Trade ay agad akong nagpa book ng flight papuntang Paris. The air and aura in the Philippines is hurting me. I need a new place.


Trade is also persistent. Nalaman kong gusto pala nya ako kaya nya ako iniwasan. Ayaw nyang magalit kay Chase kaya sya umiiwas. If only I could tell myself na si Trade na lang. Pero hindi eh. My stupid heart will always belong to the guy who broke it over and over again.


"Call me everyday." paalala pa ni Mommy sakin.


"That's OA Mom." natatawa kong sabi.


"Im serious." hinalikan ko na lang sya sa pisngi at saka nagpuntang departure area. Goodbye for now.


***


Present


Pagkatalikod ko kay Chase, agad na nag uunahan ang mga luha ko. I tried my best to stop it but as always, I failed.


Bakit ka ba naiyak Zoey? I asked myself.


Lumipas na ang limang taon ng di mo to iniiyakan tapos ngayon iiyak ka na naman? Hindi pa ba sapat ang tatlong taong pag iyak mo araw araw sa Paris? Tama na Zoey. Tama na.


"Zoey." Oh how I miss him calling me by my name. Napapikit ako ng bumalik sakin ang ala ala ng pakiramdam na yun. Damn it. Ang tagal na ah? Bakit masakit pa din? Bakit parang kahapon lang lahat nangyari to?


Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makasalubong ko si Rank. He was shocked to see me crying. Ito ang kauna unahang beses na nakita nya akong umiyak ng hindi dahil sa pelikula. I always cry at movies. Pero sa movies lang. This is different.

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon