Witch 17

419 9 2
  • Dedicated kay Charmaine Cobelo
                                    

Copyright © 2013 dianaaranda

 

-Pansamantala-

 

 

"Gusto na ata kita Witch" bigla akong napatigil sa pagpasok sa loob ng bahay. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Why are you making me feel this Chase? Napalunok ako. Bahagya akong gumawa ng hakbang pero napatigil ulit ako ng magsalita sya.

 

"Namimiss kita kahit na kasama kita. Hinahanap ka ng mga mata ko kapag wala ka. Naririndi ako sa katahimikan kapag di ko naririnig ang boses mo. Hindi kumpleto ang araw ko kapag di mo ko inaaway. Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko kapag nakikita kitang ngumiti. Hindi ako makatulog kapag alam kong di ka ok. Gusto na nga ba kita Witch? Tell me. Gusto na nga ba kita Zoey?" tumingin ako sa sahig. Napakagat ako sa labi ko. How many years have I waited for him to say these words to me?

 

"Nababaliw ka na." I smirked and took another step but he hold my wrist and made me turn around. Then hugged me. Nagwawala ngayon ang puso ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang isang to. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya. Ngayon lang ulit.

 

"Pwede bang....habang hinahanap ko yung sagot sa tanong ko, dito ka muna sa tabi ko?" hindi ako umimik. Gusto ko lang pakinggan ang tibok ng puso nya. Gusto kong sauluhin ang amoy nya. Gusto kong yakapin sya hanggang sa mapagod ako. Gusto ko syang ipagdamot.

 

Bumitaw sya sa yakap at tiningnan ako sa mga mata bago ako ngitian. Hinalikan nya ako sa noo bago nagsalita muli. "Pumasok ka na sa loob. Baka magkasakit ka pa ulit. Aabsent na naman ako para alagaan ka." natatawa nyang sabi. Tiningnan ko lang sya saka inirapan.

 

"Psh. Ang ganda mo." sabi nya sabay tulak sakin papasok sa loob ng bahay. "Mag-ingat ka. Mamahalin pa kita." iimik pa sana ako ng bigla nyang saraduhan ang pintuan.

 

Did he just said.....OMMO!

 

---

 

Minulat ko ang mga mata ko. "Tss. Sabi ko na nga ba, isang magandang panaginip lang ang lahat." Tumagilid ako at titingnan ki sana ang oras pero napabalikwas ako ng makita ko ang isang di inaasahang bagay.

 

"Anong isang magandang panaginip?" nakangisi nyang sabi. Agad kong hinila ang kumot at binalot ang sarili ko habang tinuturo sya. "What the heck are you doing here moron?"

 

"Tara na. Bumaba ka na. Kumain ka at papasok na tayo." tumayo sya at hinila ako ako sa kama.

 

"Wait!" tiningnan nya ako na parang nagtataka. "Susunod na lang ako." sabi ko pa. Tinaasan lang nya ako ng kilay. "Hindi ako tatakas. Pramis!" nagtaas pa ako ng kanang kamay habang hawak nung kaliwa ang kumot.

 

"Fine. Take a bath first." naglakad sya papunta sa pinto at binuksan yun. Bahagya akong nakahinga ng maluwag.

 

"Zoey." tawag nya sakin. Napalunok ako bigla at tumingin sa kanya na nakatalikod pa din sakin. "Yung lahat ng sinabi ko kahapon...totoo yun." saka nya sinaraduhan ang pintuan.

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon