Witch 13

423 5 4
                                    

Chase's POV

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong lasagna ng makita ko si witch. It has been 8 years since I last saw her.

Ang huling time na nakita ko sya ay umiiyak sya sa hospital. At yun ay dahil sakin. Now she looks better. Ni hindi mo sya kakikitaan ng kaba nung nakita nya ulit ako after many years. Ni hindi mo rin makikita na uneasy sya kanina. Ako pa nga ata ang mas uneasy sa kanya.

Nakipag kwentuhan lang sya kina mama sa may garden at sinundo ko si Irene sa labas. Nakalimutan kong banggitin na nasa loob si witch kaya naman nabigla rin sya ng makita si witch. Hindi ko rin naman sya masisisi.

I felt uneasy lalo na ng marinig kong magsabi ng I love you si witch sa kausap nya sa phone. Clearly, she is in a relationship. She looks so good. Triple times na mas maganda kesa noon.

Nasa dinner kami ng biglang umimik sa papa na maganda daw kung magsasama kami ni witch sa Elle cover. I was kinda shocked to hear that pero hindi nya dapat makita ang uneasiness sakin kaya pumayag agad ako. Hanggang sa hindi ko mapigilang magtanong tungkol sa ily nya kanina over sa phone. I was accused of eavesdropping. Was I?

Then she said I love you to me. I literally felt my heart skipped a beat. Dati, nung umamin sya sakin na mahal nya ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. After eight long years, tila yun lang ang salitang nais kong marinig noon pa man. But its all too late. I am committed. Maliban na lang kung umamin sakin ni witch na mahal pa rin nya ako then I will be having to think twice kung papakasalan ko pa si Irene.

Lumabas ako ng bahay. Almost half an hour na ng ihatid ko si Irene at hindi pa rin ako pumapasok sa loob. Maybe because ayaw kong makita sya. Naguguluhan lang ako. Bakit pa nya kinailangang bumalik? Ngayon pa?

Naramdaman ko ang paglabas nya ng bahay. Nasa isang sulok lang ako at nakangiting tinitingnan ang bawat galaw nya. Umupo sya sa swing at nag umpisang magdial ng number. Ilang segundo lang ay dumating na ang isang kotse.

Mukang mali ata ang desisyon kong pagmasdan pa sila. Bakit ba ako nasasaktan? Hindi ba ako ang dating nanakit? Bakit ako ngayon ang nasasaktan?

Why does it feel like I am betrayed? Dahil ba umasa ako na isang araw ay babalik sya at sasabihin nyang mahal nya ako? Nasaktan ako dahil umalis sya ng walang paalam. Nung mga panahong yun, gulong gulo din ako sa nararamdaman ko. Hindi ko gusto yung feeling na nasasaktan sya. Kasi nasasaktan din ako. Pero iba na ngayon. She have moved on. And clearly, wala ng pag asang ibalik ang dati naming relasyon. Gustuhin ko man, mukang imposible na.

"Carissa, ano ba? Bakit ang tagal mo?" nagmamadaling lumabas ng bahay si Carissa. 7AM na at malapit na silang nag time sa school.

Saglit pang tumigil si Carissa at tinanaw ang bahay nila witch. Susuwayin ko dapat sya ng magsalita sya.

"Kuya Rank! Ano pong ginagawa nyo kila Ate Zoey ng ganito kaaga?"

"Ah. Kagigising ko lang. Dito kasi ako natulog. Nag movie marathon kasi kami kagabi." natulog sya sa mansyon ng Albert?

"Talaga? Eh nasaan si Ate Zoey?" tanong muli ng kapatid ko. Masama ito. Nasasanay na akong mag eavesdrop.

"Gising na kanina. Tumulog ulit. Nagpapabili nga ng budong eh. Ano ba yun?"

"Ah. Pandesal na gawa sa malunggay. Lumabas ka lang ng conpound tapos sa may kanan may nagtitinda nun."

"Ok. Thanks." nakangiting bumaling si Carissa sakin.

"Tara na kuya!" sumakay sya sa kotse saka ko pina andar iyon.

"Yun ba ang sinasabi mong mas gwapo sakin?"

"Oo kuya! Ang gwapo no? Pero syempre, di mo aaminin. Kasi marami kang ego!" depensa ni Carissa sabay saksak ng earphones sa tenga nya. Ganyang ganyan din si witch noon. Ayaw magpatalo.

Pumasok ako sa opisina at wala ako sa mood. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayong araw kami naka sched na tumikim ng mga pagkain para sa reception ng kasal. Parang ayaw kong pumunta.

"Sir, remind ko lang po yung sched nyo with Mam Irene" sabi ni Nikki. My secretary. "Yes. Naalala ko. Nikki, patawag naman sa kabilang department si Trade. Pakisabi, I have to talk to him. ASAP kamo." nilapag nya ang ilang papeles sa lamesa ko saka sumagot. "Ok po."

"Bakit mo ko pinatawag?" agad na bungad ni Trade pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Prente syang umupo sa silya sa harap ng desk ko.

"Alam mo bang dumating na si witch?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Si Zoey? Oo. Dumating sya two days ago. Bakit mo natanong?"

"Alam mo? Tapos di mo man lang nabanggit sakin?"

"Hindi ka naman nagtatanong eh." kinuha nya ang phone nya at nag start na maglaro. Parang bata pa din talaga tong si Trade.

"I saw her yesterday" sabi ko bigla.

"Talaga? Ang ganda no? Grabe, kundi ko lang gf si Serene, manliligaw ulit ako kay Zoey. Ang ganda!"

"Nakita mo na sya?"

"Oo. Kami ni Serene ang nagsundo sa kanila. Kasama nya si Rank ba yun?" nagpatuloy sya sa paglalaro ng phone nya.

"Kilala mo rin si Rank?"

"Oo naman. Inis na inis nga ako kay Serene. Sabihin ba naman sakin na crush daw nya yung Rank? Eh mas gwapo pa ako dun eh." pagmamayabang nya.

"Mas gwapo pa tayo dun" segunda ko naman.

"Pero bagay silang dalawa ha. Kung nakita mo lang ang body language nila. Aakalain mo talagang mag syota yung dalawa." dagdag pa ni Trade.

"Bakit daw sya umuwi?"

"Aasikasuhin ata yung reunion?" patanong nyang sagot sa akin.

"Reunion?"

"Oo. Ngayon nya ni sched kasi pipirma sya ng 2 year contract ata sa pagmomodelo eh baka di na nya magawa. Kaya ayun. She had a vacation here"

"Ang dami mong alam."

"Nalalaman ko pang rin kay Serene yun ano! Teka, balita ko, kayo ni Zoey ang magiging cover ng Elle ah! Astig!"

"Saan mo naman nalaman yan?"

"Narinig ko lang kanina. I confirmed it with tito na rin." tumayo sya at nag stretch ng kamay.

"O sya, dadayo lang ako ng movie marathon kila zoey ha!"

"Ganito kaaga?"

"Oo naman! Bored kami ni Serene eh! Sige dude. Kita na lang tayo soon!" lumabas na sya ng office at naiwan naman ako. Happy go lucky pa din si Trade.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng bahay nila witch. Bakit nga ba ako nandito? Isang malaking question mark din ang nakapatong sa ulo ko kung bakit ako nandito.

Two hours ago, I was with Irene. Nagkaroon kami ng food testing with her mom and my mom. And now, I am here. Looking at witch's house. I wonder if she's inside or if she's with that Rank.

"Sir, hinahanap nyo ba si Mam?" tanong ni manong guard.

"Nanjan ba sya?"

"Opo. Gusto nyo po bang tawagin ko sya?"

Nginitian ko si manong guard saka sumagot. "Wag na lang po." tumalikod ako at naglakad papunta sa bahay.

Sa ngaon, hindi ko pa kayang kausapin si witch. Yung ibalik ang dating kami. At mukang kahit kailan ay hindi na maibabalik yun. Forever ng nakalagay sa puso nya ang scar na iniwan ko sa kanya. Kung alam ko lang na ganito ang mangayayari, sana noon pa, iniwasan ko na sya.

(A/N: Last 8 chapters. Shiz. Mamimiss ko sila witch.)

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon