Witch 10

518 9 1
                                    

-The Other Side of Witch-

Wait! Bago nyo basahin, napakarami ng typo nito kaya naman pagpasensyahan nyo na. Sa office lang ng phone ako nagtatype. Haha. Anyway, sana maenjoy nyo ang ilang chapters na iUUD ko ngayon. Salamat sa matyagang paghihintay! Mahal ko kayo***

Chase's POV

"Oh, bakit ginabi na kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay ah" sabi ng matandang babae pagkarating namin sa barong barong nila.

"Pasensya na po. Nasiraan po kasi kami. Tapos naligaw pa. Kaya ayun, kung hindi nga po kami nakita ni Manong, malamang nag kacamping na kami sa gitna ng gubat" sagot ko naman. Tiningnan ko si witch na tahimik lang na nakikinig samin.

"Ah! Ako nga po pala si Chase, sya naman po si witch-- este...Zoey po. Kami po ang magkapartner para sa project namin sa socio. Binigyan po kami ng 3 araw para manatili dito at makita kung paano kayo mabuhay" pagpapaliwanag ko.

"Ganoon ba? Oh sya, kayo'y matulog na at maaga pa tayo bukas. Pagpasensyahan nyo na ang bahay ko ha. Dito ka iha tutulog sa bahay ko. Doon ka naman tutulog sa bahay ni Pacio sa kabila iho" tinuro nya sakin ang bahay.

"Ah, hindi po ba pede na sa iisang bahay na lang kami matulog?" tanong ko.

"Anong pinagsasasabi mo jan weak? Tigil tigilan mo yan!" biglang imik ni witch. Humarap sya kay nanay saka nagsalita ulit. "Wag nyo na pong pansinin yang si Chase, nababaliw na po kasi yan" sa di malamang kadahilanan ay biglang ngumisi si Nanay.

Tinuro nya kaming pareho saka ngumisi ulit. "Magkasintahan kayo ano?"

"Po?" sabay naming sagot ni witch.

"Nay, mamatay po muna ako bago mangyari yun" sabat ni witch. Tiningnan nya ako saka umirap.

“Magpapari na lang po ako.” Sagot ko naman. Naiiling iling sa amin si Manang. “Yang mga pinagsasasabi nyo, kakainin nyong lahat yan. Maniwala kayo sa akin.” Pumunta na sya sa bahay at kasunod naman nya si witch. Tiningnan ako ni witch at nagbelat sa akin. Sana naman, maging masaya ang stay namin dito.

----

“Weak! Wake up! Magstart na tayo!” inaalog alog ako ngayon ni witch. Ayaw nyang tumigil kaya tumayo na ako. Nanakit ang likod ko sa tigas ng hinihigaan ko. Napakamot na lang ako sa ulo na sa inis.

“Ano ba witch? Ang aga aga pa oh. Wala pang isang oras ang tulog ko!” sagot ko sa kanya. “Basta! Tumayo ka na! Alas kwatro na ng umaga. Umpisa na po ng buhay nila. Kung ayaw mo ng matas ng grade, pwes..wag mo akong idamay!” lumabas sya ng bahay at mukang hinintay ako na makapag ayos. May magagawa pa ba ako?

Kahit na tinatamad ako, tumayo na ako at inayos ang sarili. Wala na akong panahon para maligo. Malayo pa daw ang lalakarin namin.

Humikab ako at nagunat ng mga buto buto. Inaantok pa akong lumabas ng maliit na bahay ni Ka Pacio. Nakita ko ang nakatayong si witch na naghihintay sakin. Nakatingin sya sa langit. Oo nga pala. Kita pa ang mga stars kaya sa nakatingin doon.

Yun kasi ang hilig nyang gawin. Ang tingnan at pagmasdan ang mga stars. I wonder kung ano bang nakikita nya roon. I see nothing special except sa fact na kumikinang sila at maliit.

Tinawag na kami ni Ka Pacio at nagsimula ng maglakad. Napakalayo ng nilakad namin. Halos sumuko na nga ako pero si witch, punong puno pa din ng energy. Hindi pa kami nag aalmusal. Alas sais na ng umaga. Bakit kaya ganadong ganado si witch?

Binaba ni Ka Pacio ang gamit nya sa ilalim ng isang puno at nagsimula ng magtanim ng palay. Tiningnan lamang sya ni witch at makalipas ang ilang minuto ay sinundan din nya ito.

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon