Witch 3

747 8 4
                                    

-Trapped-

Zoey's POV

"Aray!" tinamaan ako ng isang bola galing sa field ng soccer. Nilapitan naman ako ng nakatama sa akin.

Habang papalapit sya sakin, parang naaaninag ko kung sino sya. Nang malaman ko kung sino ang nilalang na yun, naikuyom ko bigla ang mga kamay ko.

Pinulot nya ang bola sa harap ko at humarap sakin na parang walang nangyari. "Sorry Witch. Hindi ko sinasadya." tumalikod sya sakin at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa sobrang inis ko, hinubad ko ang sapatos ko na may takong at binato yun sa kanya.

"Ah!!!" sigaw nya. Humarap sya sakin na halatang galit sa ginawa ko. Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Were even!" nag roll eyes ako sa kanya saka naglakad. Hinubad ko na din ang isang sapatos ko. Buti na lang at malapit na ako sa locker ko. May spare ako ng shoes dun.

"I hate you Witch! May araw ka rin sakin!" galit na galit nyang sigaw sakin. Napatawa ako ng mahina. Nanalo ako. Alam kong panalo ako.

Hingal na hingal na lumapit si Selene sakin bitbit ang sapatos ko. "Here. Pinabibigay ni Trade." inabot nya sakin ang sapatos ko at kinuha ko naman.

"Trade?" tanong ko sa kanya. Sino naman ang Trade na yun? Binuksan ko ang locker at nilagay ang sapatos na binato ko kanina. Kinuha ko yung isang sapatos ko at isinuot yun.

"Zoey, sa tingin mo, naghiwalay na si Irene at Chase?" naglalakad na kami pabalik ng room. As if I care naman.

"At sa akin ka pa talaga nagtanong? Galing mo din ano?" pagmamataray ko. Nag pout na naman sya sakin. Isa pa, sasapukin ko nguso nito. Tamo.

"Ay, broken hearted ka pa nga pala kay Chase." nabanggit nya.

"Ako?" tinuro ko ang sarili ko.

"Hindi. Ako!" sarcastic nyang sagot. Urgh!!! God! Bakit may ganito akong kaibigan?

Pagpasok ko sa room, puro tungkol kay Chase ang usapan nila. Ngayon lang ba sila nagkaroon ng classmate na medyo may itsura? Ok. Binabawi ko na ang sinasabi ko. Hindi sya gwapo. Nakakasuka sya.

Bakit naman kasi sa lahat ng school na papasukan nya, dito pa talaga nya naisipan. Medyo tanga lang ano? Naiinis na talaga ako. Ayaw ko na ng may kaaway kaya ako umalis sa dati kong school.

Naramdaman ko namang kumulbit si Selene sakin. "What?" nag pout na naman sya sakin. Kainis na talaga. First day of school ngayon tapos ang sama sama ng araw ko.

"Pinapatawag ka daw ni Sir Rivas." tinalikuran na nya ako at padabog akong tumayo kaya napatingin lahat sa akin.

"What?" naiinis ako sa kanila. Bakit ba kasi..arghh!!!!

"Umupo ka Miss Albert." utos sakin ni Sir Rivas na sinunod ko naman.

"As your adviser, gusto kong ipaalam sayo na malaki ang gagampanan mo sa sports festival this year. Bukod sa pagiging cheer leader mo, at volleyball player, kailangan mong pagtuunan din ng pansin ang pageant. Malakas ang laban mo Zoey." walang gana akong nakikig sa kanya. Oo, alam ko na yan. Buti nga yan lang gagawin ko eh, kung nagkataon, ako pa ang president ng student council ng school. Buti na lang at napilit ko sila na wag na ako ang tumakbo.

"At..nga pala. Mr. Chase Evans will be your partner ok? Dapat na kayong magpraktis ng talent nyo." pagpapatuloy pa nya.

"Ok" sagot ko. Wait. Chase? Chase Evans? Napatayo ako bigla at napatingin naman si Sir na may halong pagtataka.

"Chase Evans? No way!" napatingin ang mga prof sakin. Shems. Nakakahiya.

-_______-

"Sir..wala po bang iba? Si Marvin. Si Myk..si Leo. Kahit na sino wag lang si Chase." Tinuon ko ang mga kamay ko sa lamesa nya at hininaan ko na ang boses ko.

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon