Witch 16

403 10 0
  • Dedicated kay Clarissa Ninobla Miranda
                                    

-Gusto na ata Kita-

 

 

Grabe rin naman ang kakapalan ng mukha ni Shone. To think na kaklase pa namin sya tapos nakikipaglandian sa harapan ko? Tiningnan ko ngayon si Serene na nakatungo lang at nakatingin sa sahig habang pinaglalaruan ang mga kamay nya.

 

Ito namang best friend ko, hinayaan lang makipag break yung lalaki ng hindi nagpapaliwanag. Mali yun. Isa pa, sa matinong mundo, babae ang nakikipag break hindi lalaki. Anong karapatan ang meron sya para gawin yun kay Serene?

 

Kinulbit ko si Shone at inis namang humarap sakin. Masyado ata syang nag eenjoy sa company ng Lian na yan kaya ayaw nya magpa istorbo. Tiningnan ko naman si Lian na nagulat. Marahil nagtataka sya kung bakit ko nilalapitan si Shone. Never ko naman kasing nilapitan ang isang to. Umpisa pa lang, hindi na ako approve sa kanya. I know he'll do something stupid like breaking Serene's heart.

 

"Ano bang problema mo Zoey?" walang ganang tanong sakin ni Shone. Grabe, pati presence nya gusto kng pataksikin sa loob ng room. Punong puno ng kayabangan. Kala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo naman si Chase sa kanya. Ugh. Seriously? Naisingit ko pa yun?

 

Huminga ako ng malalim to released the stress. Nakita ko ang pagkunot ng noo nya. Yes, you are stressing me Shone. Siguro ay alam din nya ang rule na yun. Kapag nag release ng deep sigh ang isang tao sa harapan mo, it means ikaw ang dahilan ng stress na nararamdaman nya.

 

"Why did you break up with Serene?" simple kong tanong. Pinasok nya ang dalawa nyang kamay sa bulsa nya at huminga din ng malalim.

 

"Simple lang. I find her too childish. I hate girls like that." he smirked at me right after answering it.

 

"Really? Well I think, its better to have a cute girl around than a girl who only knows how to fuck. Right Lian?" tiningnan ko si Lian na ngayon ay namumula na. I dont care kung ano ang dahilan ng pamumula nya. Im just happy na nagawa ko yun sa kanya.

 

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" galit na sabi ni Shone. Nginitian ko sya. "Im just concluding things. Hindi ko naman alam na totoo pala ang sinasabi ko. Tss. Poor Lian. Kaya ka lang nya nagustuhan dahil dun? Ugh. I pity you. Sa kama ka lang pa magaling" kita ko ang pagkuyom ng kamay ni Lian kaya tumayo na rin sya.

 

"Zoey!" tawag sakin ni Serene. Great. Sa wakas, nagsalita na rin ang best friend kong mahina. Nilapitan nya kami. "Stop being a witch!" sigaw nya sakin. Nakita ko ang pag smirk ni Shone. Bahagya akong napatawa.

 

"Then stop being a shit Serene. Stop your stupidity. Stop your crazy heart for beating for this bastard. Love is a game Serene. Kung hindi ka marunong maglaro, wag kang susugal. Dahil matatalo ka lang." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Chase sa balikat ko. At kailan pa to napapunta dito.

 

"Bitawan mo ko Chase. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag di mo yan inalis." agad naman nyang tinanggal ang kamay nya at naglakad na ako palayo sa tatlong pathetic na tao doon. Pero bago ako makalabas ng pintuan, nakarinig ako ng lagitik ng sampal. I slightly smiled. Good girl Serene.

 

Naka cross arms kong nilakad ang hallway ng school. Sa likod ko ay nakasunod sakin si Chase. Mga five minutes na din kaming naglalakad ay nakasunod pa din sya sakin. Tumigil ako bahagya at napapikit. "Bad mood ako ngayon Chase. Wag mo ng dagdagan."

 

"Di na nga ako naimik ah." reklamo pa nya.

 

"Take me home please." sabi ko saka ako humarap sa kanya. Nilapitan nya ako at hinawakan ang noo ko. "Masama pa ba ang pakiramdam mo?" tanong nya na may pag-aalala.

 

"Im good Chase. Besides, kahit umabsent pa ako ng isang linggo ay hindi mo pa rin maaagaw sakin ang number one spot." sabi ko saka tumalikod sa kanya. Maglalakad na sana ako ng biglang may bumukas na pintuan. Napakagat na lang ako sa labi ko ng mapansing nasa tapat pala kami ng faculty room. At saktong si Mam Chavez ang iniluwa noon.

 

"Oh, dito pa kayo nagdidisplay ng pagmamahal nyo." natatawang sabi ni Mam.

 

"Mam, ilang beses ko po ba sasabihin na hindi kami ni Chase?" sabi ko. Si chase naman ay tinawanan ako at hinigit palapit sa kanya sabay akbay sakin. "Medyo masama po kasi ang pakiramdam nya kaya iuuwi ko po muna si witch. Este..si Zoey pala." ginulo pa nya ang buhok ko at pinisil ang mukha ko. What kind of arrogance is this boy showing? Ugh.

 

"Oh. Ibig sabihin kaya kayo absent nung mga nakaraang araw ay dahil may sakit sya at inalagaan mo sya?" sabi pa ni Mam.

 

"Ganun na nga po." sabi pa ni Chase. Hindi ko alam kung paano kami nakatakas kay Mam. Ang alam ko labg ay nasa labas na kami ng building at papunta na sa sasakyan ni Chase.

 

Napatigil ako ng makita ko si Trade. Why is he avoiding me? "Ah. Una ka na. May kakausapin lang ako." sabi ko kay Chase na ipinagkibit balikat lang nya saka pumunta sa sasakyan nya.

 

"Trade." tawag ko bigla. Halata namang hindi nya inaasahan na tatawagin ko sya. "Can we talk?" tiningnan nya lang ako saka bored na nilapitan.

 

"What Zoey?" he said coldly.

 

"Wait, inaway ba kita or something? Bakit parang ang lamig mo sakin?" tanong ko. I hate being curious.

 

"Im just not in a good mood. Besides, bakit ba kailangan mo pa akong kausapin? Nandyan naman si Chase ah." sabi nya. Is it just me or nakakasense talaga ako ng bitterness sa boses nya?

 

"Wait..are you...jealous?" I asked. I saw him smirked.

 

"You're not my boyfriend Trade. So stop acting like a pathetic one." sabi ko pa.

 

"Ako ba talaga ang umaarteng boyfriend mo Zoey? Hindi ba dapat si Chase ang sabihan mo nyan? Wait..boyfriend mo na ba sya?" tiningnan ko lang sya. Whats up with Trade. Saan nya nakuha lahat ng sarcasm na meron sya ngayon?

 

"So silence means yes?"

 

"He's not my boyfriend" pandidiin ko pa.

 

"Then tell him to stop acting like one." sabi ni Trade saka sya umalis sa harapan ko.

Hindi maalis sa isipan ko yung sinabi sakin ni Trade. Tahimik na lang akong umupo sa sasakyan ni Chase habang hinihiling na sana matapos na to. I hate confusing myself with things especially to Chase Evans.

 

Bumaba ako ng sasakyan nya at tahimik na pumasok sa gate. “May problem ka ba?” tanong nya sakin. Umiling na lang ako sa tanong nya at nagpatuloy sa paglalakad.

 

Naramdaman kong hinila nya ang braso ko at pinaharap nya ako sa kanya. “What did Trade told you?” halata sa boses nya ang pagka irita.

 

“Nothing ok? Stop acting like my boyfriend.” Sabi ko saka sya tinalikuran. Trade is right. Why is Chase acting like one if he’s not right?

 

Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pintuan.

 

“Gusto na ata kita Witch.”

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon