Witch 6

508 7 1
                                    

Zoey's POV

"Magkapartner kayo ni Fafa Chase. Kainggit ka girl" malungkot na sabi ni Serene habang kumakain ng fries.

"Ano naman ang dapat ika inggit doon?" mataray kong tanong. Naiinis ako kasi bakit kailangan pang sya ang kapartner ko eh pede namang kahit na sino lang at wag sya diba?

"Tinatanong pa ba yan? Makakasama mo sya sa iisang bahay, matutulog kayo sa iisang bahay, muka nya ang una at huli mong makikita pag nagising at matutulog ka na. Tapos..." hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil nahalata na nya ang dark aura ko. Aba, kainis to! Ipinapaalala pa sa akin kung ano ang mangyayari. Baka kailangan ko ng magreklamo. After all, baka pakinggan naman ako ni Mam.

"Mam, pede po bang si Serene na lang ang kapartner ko?" magalang kong tanong sa titser sa unahan ko. Nandito kasi ako ngayon sa faculty room at nakikiusap na palitan ang kapartner ko.

"Bakit naman? Exited na kaya ako para sa inyong dalawa!" nakangiti at kinikilig kilig pang sabi ni Mam.

"Errr. Mam sige na po. Please???" pagmamaka awa ko. Ayaw ko syang kapartner!!!

"Give me one good reason kung bakit dapat kong gawin yun" sumandal si Mam sa swivel chair nya at pinaghawak ang kamay nya na parang nagdadasal.

Napatingin ako sa kisame. Ano nga bang magandang dahilan?? Isip Zoey. Isip. Aha! Alam ko na!

"Ah..eh...Mam....." muka akong tanga. Ang hirap kasi sabihin eh.

"Ano nga?" nalangiting tanong ni Mam.

"Mam, magka away po kami." unti unting tumulo ang luha ko. Ang sakit. Bakit ba ako umiiyak? Para akong tanga. Kung umarte naman ako, parang nag break kami. Hindi naman! Paano ba kasi kami mag break kung hindi naman kami diba? Tss.

"May hindi lang po kami napagkasunduan." nag lean si Mam sakin na kasalukuyang nakatungo.

"Ok lang yan." she tapped my back telling me it's gonna be fine.

"Kung ganon...mas dapat pala na magka partner kayo!" napa angat ang ulo ko. Nagkulang ba ang drama ko? Nakakainis! Bakit ba naman kasi...err...mali pa ang pagkakaintindi ni Mam! Oh My Gee!!

"Hayaan mo, mag aayos din kayo!" pag cheer pa sakin ni Mam.

"Kakausapon ko sya" sabi pa ni Mam. Nanlaki naman ang mata ko.

"Naku, wag na po! Ok lang po kami! Kami na lang po aayos!" sabi ko na may pagkaway pa ng kamay.

"Ok" nakingiti nyang kibit balikat sakin. Masama ito!

Chase's POV

"Oy! Pinapatawag ka ni Mam" kulbit sakin ni Trade.

"Bakit daw?" wala sa mood kong sagot. Naiinis ako kasi isang linggo na akong hindi pinapansin ni witch. Kahit papaano naman eh naging close kami. Medyo lang.

"Aba! Ewan ko!" kinalikot nya yung bago nyang bili na phone. Tss. Walang kwenta. Tumayo ako saka huminga. Hindi ko alam. Naiinis ako.

"Nga pala, may napansin ka ba kay Zoey? Parang wala sya sa sarili nya this past few days. Bakit kaya? Di tuloy ako makahanap ng tyempo sa panliligaw." pailing iling pa nyang sabi. Wala sa sarili si Zoey? Bakit? Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit nag walk out si zoey sakin. Wala talaga akong maisip na dahilan. Tapos nakita ko pang tumulo ang luha nya. Nakakainis diba? Hindi ko sya maintindihan.

"Mam." umupo ako sa upuan sa harap ng table ni Mam. Ano naman kayang kailangan ni Mam sakin?

"Nabanggit sakin ni Zoey na may problema kayo" umpisa nya.

"Po?" nagtataka kong tanong. Bakit alam ni Mam?

"Look Chase, ikaw na ang mag sorry. Babae yun. Syempre, moody yun. Ano bang nagawa mo?" tanong ni Mam.

"Hindi ko nga po alam eh"

"Bakit naman?" teka..bakit parang napaka pakialamera ni Mam?

"Hiiindi ko po alam" kibit balikat ko.

"Baka may nagawa ka na nakasakit ng damdamin nya?" sabi ni Mam. Ano naman yun? Baka nga nasaktan ko sya? Kasi, di naman sya iiyak kung di sya nasaktan diba?

"You better go and say sorry ok? tumungo na lang ako bilang sagot at bewildered na lumabas ng faculty room.

Nakatungo akong naglalakad habang iniisip kung paano ako mag sosorry kay witch. Paano nga ba? Hmm.

Dahil nga nakatungo ako, hindi ko namalayan na kasalubong ko pala si witch.

"Ouch!" naiinis na sabi ni witch. "Hindi kasi tumitingin eh" inayos nya ang sarili nya tsaka humarap sakin. Nagulat pa nga tapos naglakad na ulit.

Hinawakan ko ang braso nya at saka hinarap sya. "May problema ba tayo?" tiningnan nya ako with those pain in her eyes saka ngumiti.

"Meron ba? Wala naman diba?" pinilit nyang tanggalin ang kamay nya pero di nya nagawa.

"Stop this game witch. Nahihirapan na ako." huminga sya ng malalim saka humarap sa akin.

"Nahihirapan? Wow. Paano ka naman mahihirapan eh hindi naman ikaw yung nasasaktan?" she said sarcasticly.

"Witch, please. Ayusin natin to. Oo, were not in good terms dati pa pero, atleast, naging friends naman tayo diba?"

"Friends?" she laugh fakely. "I thought so. Not until I realized I was a fool for letting you enter my life again." tinanggal nya ang kamay nya saka naglakad ulit palayo.

Ngayon ko lang napansin na marami pa lang nanunuod sa amin. Hinabol ko sya at biglang niyakap.

"Sorry na witch. Bati na tayo." sabi ko using my sweetest voice. Hindi ko alam kung anong nakain ko. Basta ang alam ko, ayaw kong magka away kaming dalawa.

Humikbi sya. She's crying. Hinarap ko sya sakin at saka pinunasan ang luha nya gamit ang mga kamay ko. "Sorry na witch. Sorry talaga."

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon