Witch 11

494 9 2
                                    

-Sick-

Pagpasensyahan nyo na ito. Hindi ko maintindihan ang ginawa ko. Nakapagtype na ako tapos hindi ko naman naisave sooo umulit ako! Haha. Medyo vain! =)

Zoey's POV

"Mam, may sakit po kayo" mahinahong sabi ng katulong namin. Kinatok nya kasi ako sa kwarto para sabihan na kakain na. Kaya lang ay naabutan nya akong nakahiga sa kama at balot na balot ng kumot.

Sinubukan nyang tingnan kung bakit ako ganoon at yun na nga. Nalaman nya na may sakit ako.

"Alam kong may sakit ako. Katawan ko to eh" muli akong nagtalukbong saka binalot ang sarili. Sobrang nilalamig ako.

"Mam, gusto nyo po ng gamot?"

"Wag na. Ipapahinga ko na lang to. Umalis ka na!" pagtatabuyan ko sa kanya. Biyernes ngayon at nagkasakit ako. Bakit naman ngayon pa? Kung kailan naman patapos na namin ni weak ang report sa socio? Nakakainis!

Dumaan ang dalawang araw na may sakit ako. Ang hirap naman ng nasa bahay ka lang. Feeling mo, napaka walang kwenta mong tao. Umiinom naman ako ng gamot pero bakit ganun? Parang di naman bumababa ang lagnat ko!

-___-

Kasalukuyan akong nanunuod ng TV ng kumatok ang katulong namin. Pumasok sya bitbit ang bimpo at malamig na tubig na may alcohol. Ganun daw ang ginagawa nilang mahihirap para maalis ang init sa katawan.

Samantalang sa mayayaman, konting pagtaas lang ng temperature, OA na isusugod agad sa hospital.

Ayaw kong magpadala dahil sayang ang pera. May mas mapaglalaanan pa naman na magandang bagay kesa sa simpleng lagnat ko lang. Hindi ko naman ikamamatay ito.

Pinatong nya ang bimpo sa noo ko. Bahagya akong nakiliti dahil sa ginawa nya. Dahil medyo nainis din ako, binato ko yung bimpo sa sahig.

"Dahan dahan naman!" sabi ko sa kanya. Halos wala na akong lakas. Hindi ko magawang kumain dahil natatakot akong isusuka ko lang iyon.

Kahit anong pagkain ang ihain nila, ayaw kong kainin. Buti na lang at wala dito si Mommy. Kundi, pinakain na nya ako ng kung ano ano. O kaya, dinala na ako sa hospital. Buti na lang at di ako OA katulad ni Mom.

Pinulot nya iyon. "Ah, Mam" umpisa nya.

"Bakit?" mataray kong tanong.

"Ah...day-off po kasi namin ngayon...eh..."

"Ano pang iniintay nyo? Umalis na kayo!"

"Eh Mam, wala po kayong kasama"

"Ok lang ako. Umalis na kayo. Bilis!" nagmadali naman syang lumabas ng room ko. Pinatay ko na lang ang TV at nagdesisyong matulog.

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon