Witch 7

522 10 0
                                    

-Passenger's Seat-

Zoey's POV

Matapos ng madramang scene ni Chase sa harap ng madaming tao ay we decided na umalis na. Like duh? Nakakahiya kaya! Well, hindi na kami nag usap muli after nung scene. Nakakailang kasi.

Bakit? Paano ba naman, nag sorry sya na parang may kasalanan syang ginawa sa girlfriend nya. Nag so-sorry sya kasi feeling nya eh masama syang boyfriend kasi sinaktan nya ang gf nya.

Well, dalawa lang naman ang totoo dun. Yung part na nag sorry sya at yung part na nasaktan ako. Yung part na gf/bf thing, wag na nating pansinin yun. Mukang malabo na eh. One sided love na lang talaga to.

Kahit na hindi kami nag usap after nung yakap/iyak/sorry scene ay hinatid nya ako sa bahay. Again, para na naman kaming may relasyon kahit na wala naman talaga. Eh kasi naman si Manong, nasira daw yung kotse? Kung alam ko lqng, nagdadahilan lang yun! Nakakainis si Manong!

Eto ako ngayon at nakahiga sa kama ko. 10PM pa at dilat na dilat pa din ang mata ko. Para kasing tanga na nagre-replay ang scene na yun sa utak ko. How I wish na sana, may part sa kanya na sincere nung ginawa nya yun.

Bigla namang nagring ang phone ko. Tumatawag si weak. Ano bang problema nito at ganitong oras tumatawag? Parang baliw.

"What? Stop bugging me weak! Matutulog na ako eh!" salubong ko sa kanya sa kabilang linya.

"Yan ka na naman sa witch mode mo! Lumabas ka dali!" pag uutos nya sakin. Ano namang trip nito? Ako naman tong si tanga na lumabas sa balcony para tingnan kung anong kabaliwan ang ginagawa ni weak.

And there I saw him while his right hand was holding his phone, yung isa naman nasa bulsa nya habang nakasandal sya sa kotse nya. Ano na namang pakulo nito?

"Now what?" mataray kong tanong. Hindi pa rin namin binababa ang phone. Wala akong balak makipagsigawan sa kanya. Nakaka wa poise yun!

"Joy ride tayo!" masiglang aya nya sakin. Aba! Makapag invite to parang close kami? Nababaliw na ata to?

"Close tayo?" tinaasan ko sya ng kilay at nakita ko syang nag pout dahil dun. Damn. Is he serious? Nakita ko ba talaga syang nag pout?

"Sige na witch! Alam kong bored ka din!" he continue trying to persuade me.

"Paano mo naman nalaman aber? Ayoko nga. Baka mamaya, kung saan oa tayo pumunta eh!"

"Hindi yan! Sige na please?" he smiled at me using his charm. Effective naman eh kaya lang, basta. Ang uneasy ng feeling!

"Kulitin mo pa ako, aawayin ulit kita. Tamo!" pagbabanta ko. Tingnan natin kung saan ang patience ng isang to.

"Joy ride lang naman eh! Promise! We'll be back at 12! Bilis na!" umayos na sya ng tayo at binaba ang phone.

"Witch! Sisigaw ako dito pag di ka bumaba." pagbabanta nya.

"Edi sumigaw ka!" aalis na sana ako ng balcony ng biglang sumigaw si weak.

"Witch! Samahan mo na kasi ako!" napatigil naman ako dahil sa sigaw na yun. Shems. Baka magising si Mommy. Inis na inis akong bumalik sa balcony at sinamaan sya ng tingin.

"Sasamahan mo na ako?" tuwang tuwa nyang tanong. Baliw na talaga ang lalaking ito! Hindi ko na to kakayanin!

"Fine! I'll change clothes ok?"

"Wag na! Gabi na naman!"

"No way. Hindi ako magsusuot ng pajamas sa labas ano? Kahit gabi na. Gusto mo ng kasama diba? Maghintay ka!" inis na inis akong bumalik sa kwarto ko at nagsuot ng shirt at short. I decided na mag tsinelas na lang. Napasubo pa tuloy ako dito. Kainis!

The Witch's Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon