Prologue

1.9K 39 8
                                    

[Prologue]

Blue House

"Head Chef, kung makakabalik ka sa panahong wala pang technology at electricity, anong gagawin mo?" Tanong sa kaniya ng katrabaho niya.

Katabi niya ito habang naghihiwa ito ng mga sangkap. Napangisi nalang siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung bakit nito na tanong iyon pero hindi na siya magtataka dahil sa kanilang lahat itong katabi niya ngayon ang pinakananiniwala sa time traveling at iba pang bagay kagaya ng aliens.

"What's with the sudden question, Chef Mika?" Tanong niya sa katabi habang siya naman ay hinahalo ang kaniyang niluluto.

"Wala naisip ko lang. Hindi naman kasi nila ako sinasagot ng maayos." Napanguso pa si Mika at napaturo sa mga katrabaho na busy rin sa kaniya-kaniyang niluluto.

Natawa nalang si Sarina. "Well, siguro kung makakabalik ako sa past. Siguro syempre I'll explore or maybe maghahanap ng paraan para makabalik ulit dito sa totoong oras kung saan ako nararapat."

Natahimik si Mika. Mukang nag-iisip ng malalim.

Napangisi nalang si Sarina at hinawakan ang pisngi ni Mika. Yeah, she's a flirt. Lalo na kapag ang kaharap niya ay cute at inosente, they will surely caught her attention.

Napanguso si Mika at inalis ang kamay ng Head Chef nila. "Ang landi mo talaga, Head Chef."

Napangisi lang si Sarina at ibinalik ang tingin sa hinahalo. "I know."

"Pero Head Chef, what if hindi ka na pwedeng makabalik at hindi ka na pwedeng bumalik sa oras na makapag-travel ka in time. Anong gagawin mo?" Pahabol pa nitong tanong.

Napailing nalang si Sarina. Total ay cute naman ang babae ay papatulan niya nalang ang mga pinagtatatanong nito.

"Hindi ko ata kaya mabuhay ng walang technology haha," napailing pa siya pero nagpatuloy ulit. "Siguro gagawa nalang ako ng sarili kong business doon. Baka maging bilyonaryo pa ako because of my advance knowledge."

Napanguso nanaman si Mika, nag-iisip nanaman ito ng malalim. Maya-maya ay akmang magtatanong ulit pero kaagad niyang naitikom ang kaniyang ibig dahil dumating si Lory.

"Head Chef Sarina!" Tawag ni Lory kay Sarina. Humahangos pa ito habang nakahawak sa balikat ni Sarina.

Napangisi si Sarina. Mukang may baong balita ang kaniyang assistant. Sarina tapped the shoulder of her assistant upang mapakalma ito.

"Kalma lang," natatawa niyang saad and she let her catch her own breath.

Matapos mapakalma ang sarili ay kaagad na tumitig sa kaniya ang kaniyang assistant, si Lory. "Head Chef, nag-release na ng balita ang President. Lahat ng 20 years old to 30 years old ay sasali sa military training. Mapa-babae man o lalake. All of us ay susunduin sa kaniya-kaniya nating bahay simula bukas."

Matapos marinig ang balita ay kaagad siyang napabitaw sa kaniyang assistant. Napakunot ang kaniyang noo at kaunti nalang ay magdidikit na ang kaniyang mga kilay.

Hinarap niya ang kaniyang niluluto at hinalo muna ito bago niya padabog na ibinagsak ang hawak na sandok.

"Aish! No, hindi ako sasali d'yan. Hindi ko pinaghirapan na makamit ang position ko ngayon para lang mawala ng isang bula at mag participate sa military training na 'yan." Huminga pa siya ng malalim at tinignan ang assistant.

Makikita sa mga mata nito ang pagtataka sa kaniyang mga sinabi. Her assistant open her mouth but close it again because she can't find the words that will make Sarina feel better.

Alam niya kung gaano kamahal ni Sarina ang pagluluto to the point na kaya nitong ibenta ang lahat ng ari-arian nito para lang sa pagluluto. She is aware that Sarina will always make a way para lang makahawak ng sandok at kutsilyo.

Napangisi si Sarina at napapalatak. "Baka p'wede namang tumanggi. Tss. Hinding hindi ko iiwan ang Blue House para lang mag training. Tsaka, may paparating bang giyera at kakailanganin nilang i-training ang mga tao?" Sarkastiko pa itong natawa habang naghihiwa ng mga gulay na ilalagay sa kawali.

Naitikom nalang ng kaniyang assistant ang kaniyang bibig, nagkatitigan pa sila na Mika at sabay na napailing.

Kilala nila si Sarina. Hinding hindi nito iiwan ang pagluluto dahil lang sa maliit na rason.

"E kasi susunduin daw tayo bukas isa-isa," napapakamot batok na saad niya kay Sarina.

Natigilan si Sarina sandali bago napatingin sa itaas at nagpakawala ng mala-demonyong tawa. "Bwahahahahahaha!"

Napangiwi nalang siya kay Sarina. Sanay na siya sa Head Chef nila. Minsan ay may pagkapasaway ito, minsan naman ay may pagkabaliw, minsan naman ay maypagka-flirt, minsan naman ay may pagka-mahangin. But one word can definitely describe Sarina, and that word is... Mayabang.

Yes, she is indeed mayabang. To the point na gwapong-gwapo ito sa sarili niya kahit na kung tutuusin ay babae ito. Babae nga pero mas trip na i-date ang kapwa babae.

Their Head Chef is indeed bixesual o may trust issue lang ito na makipag-flirt sa lalake. But she is definitely sure na hindi tomboy ang Head Chef nila.

Minsan kasi ay nahuli niya itong tulala sa mga lalaking nag-woworkout sa gym kung saan niya ito dinala. She's still attracted to men, but she is somehow certain that Sarina is only stopping herself from liking men.

And the reason? Iyon ang hindi niya alam.

Nabalik lamang sa mundo ang kaniyang isip nang ibagsak ni Sarina ang kutsilyo sa kaniyang gilid saka ito tumingin sa kaniya nang may malaking ngisi sa labi.

"Let's see kung makakaya nilang mapa-oo ang isang gwapong katulad ko." And again, she started laughing like crazy.

Napangiwi nalang sila ni Mika habang nakatingin kay Sarina. Pati ang kapwa nila chef ay natatawa o mapapailing nalang. Sanay na sila. Bukod sa maloko at mahangin ang kanilang Head Chef, may pagkabaliw rin ito na tanggap na nila.

********************

THE ROYAL CHEF by Sarah Jane (@senoritaxara)

The Royal ChefWhere stories live. Discover now