Chapter 14: Dethroned Queen

481 31 3
                                    

[Chapter 14]

"A-Ano ang ibig mong sabihin, Mika?" Naguguluhang tanong ni Sarina.

Napayuko si Mika habang ang luha ay patuloy parin sa pag-agos. Kaagad niyang niyakap si Sarina. "P-Paumanhin... N-Ngunit ako ang humiling na sana ay mailigtas ka sa kamatayan noong araw din na bumgasak ka sa sahig at nawalan ng malay."

Napakunot ang noo ni Sarina sa narinig. Naguguluhan parin. Hindi niya maintindihan kung bakit sa simpleng paghiling lang ni Mika ay tuluyan na siyang makakabalik sa panahong ito. Hindi niya maintindihan.

Suminghot muna si Mika saka nagpatuloy. "A-Ang makita ka sa ganoong estado ay napakasakit sa aking damdamin. K-Kaya naman... H-Hiniling ko na sana ay mailigtas ka sa kamatayan at maidala sa aming panahon kung saan i-ika'y aking makakasama pa ng matagal at mabigyan ng kapayapaan ang iyong isipan."

Tuluyan nang napanganga si Sarina sa narinig. Naalala niya ang huling araw niya sa panahon niya. Noong araw na 'yon ay bumagsak siya sa sahig at nangisay. At sa huling pagkakataon ay iyak at sigaw na lamang ng kaniyang mga kasama ang kaniyang narinig hanggang sa siya ay lamunin na ng kadiliman.

"P-Paumanhin... H-Hindi ko alam na gagana, h-hindi ko alam na magkakatotoo talaga," humahagulgol na saad ni Mika at hinigpitan ang pagkakayakap kay Sarina. Sa takot na baka bigla itong umalis dahil sa galit sa kaniyang ginawa.

Kunot ang noo ni Sarina. Naguguluhan sa mga sinabi ng kaibigan. Ang akala niya ay maliliwanagan siya kapag nakausap na niya ito ngunit ngayon ay mas lalo pa siyang naguluhan. Naguguluhan siya sa lahat. Paano? Paanong si Mika ang dahilan?

"How can you be so sure na ikaw nga ang dahilan? Tsaka... tsaka anong namin?" Nagtataka niyang tanong. May ideya na siya sa sinasabi nitong 'namin' pero kahit na ganoon ay gusto niyang sa labi mismo ni Mika manggaling ang katotohanan.

Masama mag-assume.

Napayuko at bumitaw sa kaniya si Mika. Nanginginig pa ang mga kamay na pinunasan nito ang sariling pisngi na napupuno ng luha.

"Alam kong hindi kapanipaniwala. Ngunit ako'y hindi nanggaling sa panahon ninyo. Naglakbay lamang ako patungo sa hinaharap upang makita ang mangyayari sa ating bansa." Napatigil ito at mapait na ngumiti sa kaniya. "At... H-Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng sariling buhay sa hinaharap at magkakaroon ng mga kaibigang katulad ninyo..."

Natahimik ng ilang segundo si Sarina habang pinoroseso ng kaniyang utak ang kaniyang mga narinig. Maya-maya ay napalunok siya. "Ibig mong sabihin ay taga rito ka talaga?"

Tumango si Mika bilang sagot.

Nang matanggap ang sagot na iyon ni Mika ay muling nabuhayan ng loob si Sarina. Kung nagawa ni Mika magtime-travel papunta sa hinaharap, tiyak na magagawa rin siya nitong tulungan na makabalik sa sarili niyang panahon.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Mika. Wala na siyang pakealam kung ito nga ang dahilan ng pagkakapunta niya sa panahong ito. Ang mahalaga ay makauwi na siya sa panahon niya sa lalong madaling panahon.

"Paano ka nakapagtravel?" Nagmamadali niyang tanong.

Napabuga ng hangin si Mika. "A-Ang aming pamilya ay isang tanyag na albularyo at may lahing mangkukulam at sila ay mayroong tinatagong libro na nagmula pa raw sa aming mga ninuno. Sa akin ipinasa ng aking namayapang ina ang libro pati na ang isa sa mga nilalaman ng libro na patungkol sa paglalakbay sa mga panahon. Sinubukan ko iyon sa sarili ko at napunta nga ako sa panahon niyo. At hindi ako makapaniwala na magagawa ko rin saiyo."

Napalunok si Sarina at kaagad na hinawakan sa magkabilang braso ang babae. "Kung ganoon ay pwede mo na akong ibalik sa amin! Please lang, Mika."

Nagulat si Mika at natahimik sa sinabing iyon ni Sarina. Malungkot siyang tumingin rito at umiling. "Paumanhin, ngunit nakasulat sa libro na tatlong beses ko lamang magagamit ang paglalakbay sa mga panahon. Kapag susubukan ko ito sa pang-apat na pagkakataon... maaaring ako ay mamatay."

The Royal ChefWhere stories live. Discover now