Chapter 19: Trip

360 22 2
                                    

[Chapter 19]

Nang tumigil na ang karuwahe ay mabilis na lumundag pababa si Sarina dahilan upang magulat si Isko. Ngunit kalaunan ay napailing nalang si Isko at bumaba nalang din sa karuwahe bitbit ang kanilang mga gamit.

Si Sarina naman ay mabilis na tumakbo at yumakap kay Mika na ngayon ay nakangiting nakatitig sa kaniya.

"Mabuti na lamang ay nandito ka na, Ginoo. Ilang araw nang pabalik-balik ang iyong kasintahan dito upang abangan ang iyong pagbabalik," saad ng isang guwardiya at napailing pa ito na tila pagod na pagod na sa pagmumukha ni Mika.

Nanlalaki ang matang napatitig si Sarina kay Mika sa narinig saka bumitaw sa yakap nito. "Ginawa mo 'yon?"

Napanguso si Mika at napatango. "Nais ko lang naman na salubungin ka sa iyong pagbabalik. Ngunit hindi ko alam ang eksaktong araw ng iyong pagbabalik kaya naman araw-araw akong naghihintay dito."

Napailing si Sarina at napatampal sa kaniyang noo. "Ang wild mo, Mika" Natatawa niyang saad.

Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Mika. Kaya pala parang sawang sawa na ang dalawang guwardiya sa mukha ni Mika.

Napanguso nalang si Mika at natawa nalang rin. "Tara na?"

Mabilis na tumango si Sarina at nilingon si Isko na ngayon ay nasa tabi na niya pala. Kaagad niya itong inakbayan at iniharap kay Mika.

"Ito nga pala si Isko, trabahador namin. Siya ang magbabantay sa atin," saad ni Sarina at hinampas ang dibdib ni Isko gamit ang isa niya pang kamay.

Kaagad namang nagulat si Isko at napahawak sa kaniyang dibdib. Hindi niya akalaing ganoon kabigat ang kamay ng kaniyang Amo.

"M-Magandang umaga, Binibini," bati ni Isko habang hinihimas ang kaniyang dibdib. Ramdam niya pa roon ang bigat ng kamay ng kaniyang Amo.

Ngumiti lang rin si Mika at tumango sa kaniya. "Magandang umaga rin, Ginoo."

"O'siya tara na!" Nasasabik na saad ni Sarina at nauna nang maglakad papasok sa kaharian ng Hilaga habang nakaakbay parin kay Isko.

"Tayo ba ay maglalakbay na kaagad, Head che— Este, Binibini?" Saad ni Mika na ngayon ay nasa tabi na niya. Nag-aalala ito. Sapagkat kararating pa lamang ng dalawa, ngunit tila walang balak na magpahinga muna.

Mabilis namang tumango si Sarina. "Oo, aalis na tayo agad para maaga kayong makabalik dito."

"Kayo?" Nagtatakang tanong ni Isko. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniyang Amo. "Paumanhin. Ngunit ikaw ba ay hindi sasama sa aming pagbalik, Binibining Azrael?"

Natahimik si Sarina at Mika saka nagkatinginan dahil sa sinabing iyon ni Isko. Hindi nakasagot si Sarina dahil sa pagkabigla. Ganoon rin si Mika na hindi alam kung ano ang sasabihin.

Ngumiti nalang si Sarina at kinurot ang pisngi ni Isko, hindi na siya sumagot pa dahil siya lang rin naman ang mahihirapan magpaliwanag.

"Madami pala tayong bibilhin ano? Mga pagkain at tela para may mahigaan tayo kapag abutan tayo ng gabi sa gubat." Tanong ni Sarina at kaagad na inilibot ang kaniyang mata sa paligid upang makaiwas sa tanong ng lalaking kaakbay niya ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kaniya ngayon.

"Ayon!" Turo niya sa isang kariton. Nakatayo roon ang isang Manong, sa harap nito ay may kariton. Nakalagay sa kariton ang naglalakihang mansanas.

Mabilis na nagtungo roon si Sarina habang nakaakbay parin kay Isko. Nangislap ang kaniyang mga mata nang makita ang mga mansanas. Hindi siya makapaniwala na sobrang laki pala ng mga mansanas sa panahong ito! Mas mapula pa kaysa sa mansanas sa kaniyang panahon.

The Royal ChefDonde viven las historias. Descúbrelo ahora