Chapter 36: Library

255 24 16
                                    

[Chapter 36]

"Pulang kuwaderno?" Naguguluhan niyang tanong sa apat. Kinalma niya ang kaniyang sarili at nilapitan ang mga ito.

"Siyang tunay! Nagkalat nga doon ang mga dugo at ang mga basag na salamin!" dagdag pa ni Santino kasabay nang pag-aksyon nito at pabagsak na naupo sa isang silya.

"Ngunit sa kasamaang palad ay nakatakas daw ang dating reyna at ang Hari ng Timog," saad ni Gomez na napailing pa.

Bumagsak ang panga ni Sarina sa mga narinig. Hindi pa nga siya nakaka-get over sa ginawang panghahalik sa kaniya ni Alas ay may bago nanaman siyang malalamang balita.

Kaya pala walang dumarating na order mula sa itaas ay dahil natanggal na pala ang mga ito sa pwesto at nagkaroon pa ng kaguluhan.

Napalunok siya ng mariin. Kung nagkagulo na nga sa palasyo at naibunyag na ang patungkol sa pulang kwaderno... hindi malabong may ideya na si Haring Julio patungkol sa totoong katauhan niya.

Napakagat siya sa kaniyang labi dahil sa matinding kabang nararamdaman. Maaaring alam na ni Haring Julio na siya si Azrael at hindi malabong sugurin siya nito.

Fudge! Madadawit siya!

"Mag-ingat na lamang tayo." Saad ni Manuel. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala.

Paano ako mag-iingat kung ako mismo ang hindi malabong atakihin ng mga Ruiz! Kinakabahang sigaw ni Sarina sa kaniyang isipan.

"Ngunit hindi ba't mas mainam na wala na ang mga Ruiz sa pwesto? Ang sasama ng kanilang mga ugali. Masyado silang mapangmataas," naiinis na saad ni Lando na kaagad namang sinangayunan ng tatlo.

Hindi naman nakapagsalita si Sarina. Naguguluhan pa siya sa mga nangyayari, natatakot din siya na baka sa isang iglap ay nasa harapan na niya si Haring Julio at pagsamantalahan nanaman ang katawan ni Azrael o ang masama pa ay patayin siya.

Bukod pa roon ay natakot siya sa kaisipang may matagal na palang plano si Alas laban sa mga Ruiz, kaya pala hiniram nito sa kaniya ang libro. Masyado itong tuso sa likod ng inosente nitong mukha. Kahit kailan talaga ay hindi niya mahulaan ang sunod nitong galaw.

Hindi na niya nagawa pang magsalita at natulala na lamang. Iba ang kaniyang kutob sa nangyayaring ito. Lalo pa't malakas ang kaniyang hinala na bumalik sa Timog ang dalawang nakatakas.

Hiling na lamang niya na sana ay hindi ito humantong sa giyera. At sana ay hindi siya atakihin ni Haring Julio.

**********

Sumapit ang hapon at puro pahinga lamang ang ginawa nilang lima. Malayong malayo sa dati nilang trabaho na sunod-sunod ang dumarating na order mula sa itaas at wala silang tigil sa pagluluto.

"Napakasaya pala kapag walang Ruiz sa palasyo ano?" Natatawang saad ni Lando habang nakaupo ito sa isang silya.

Natawa rin ang tatlo pa at napatango. Nakaupo lamang silang lahat sa limang silya habang nakapaikot sa isang mesa. Ito ang unang beses na nagkaroon sila ng ganito kahabang pahinga.

"Mawalang galang na po, mga ginoo."

Mabilis silang napalingon sa pinto para lang makita ang chubby na enuko na ngayon ay nakangiti at nakatingin sa tagapagluto ng Hari.

Nanlaki ang mga mata ni Sarina at napalunok ng mariin habang nakatitig sa chubby na enuko. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kalan at kinuha roon ang kaniyang nilutong tanghalian ni Alas.

Isinalin niya ito sa mangkok, tinakpan, inilagay sa tray at mabilis na inabot sa chubby na enuko na nagulat pa dahil sa kaniyang asta.

"G-Ginoo..." Naguguluhan nitong saad.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now