Chapter 20: Kabaong

289 21 0
                                    

[Chapter 20]

"Tuloy kayo," saad ng matanda saka nito binuksan ng mas malaki pa ang pinto upang makapasok ang kaniyang mga panauhin. Matapos ay tumalikod na ang matanda at pumasok sa loob.

Napalunok si Sarina. Ramdam niyang heto na. Oras na.

Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig na ang kaniyang mga binti. Napatingin siya kay Mika na ngayon ay nginitian siya at niyaya siyang pumasok sa loob.

Kahit na kinakabahan ay nagawa niya pang lingunin si Isko nang mapansing hindi ito gumagalaw sa pwesto nito.

"Pumasok ka na po roon, Binibini. Ako ay mananatili lamang po rito sa labas sapagkat ako ay wala namang kailangan sa albularyong iyon," saad ni Isko at ngumiti sa kaniya.

Nais magtanong ni Isko sa kung ano na ang nangyayari ngunit hindi na niya itinuloy sapagkat alam niyang wala nanaman siyang maiintindihan sa oras na sagutin siya ng kaniyang amo.

Alam niyang kung ano-ano nanamang salita ang lalabas sa bibig ni Binibining Azrael at mas lalo lang siyang maguguluhan. Kaya sa halip na magtanong ay pinili na lamang niyang tumahimik suportahan ang kaniyang amo sa gusto nitong gawin.

Ngumiti si Sarina at bumuga ng hangin. Bumitaw na siya kay Isko. Sinilip niya ang loob ng maliit na bahay. Muli siyang napalunok saka dahan-dahang pumasok na sa loob.

Naiwan naman sa labas si Isko. Pinili na lamang nitong maupo sa isang malaking bato habang naghihintay na matapos ng kaniyang amo ang sadiya nito sa bundok na ito.

Sa kabilang banda naman ay patuloy na nanlalamig si Sarina. Nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa kaba at takot. Nanlalamig ang kaniyang kamay at namumutla na ang kaniyang mukha. Kung titignan siya ngayon ay dinaig niya pa ang papel sa pagkaputla.

Kanina ay hindi naman niya ito nararamdaman. Ngunit ngayon ay tila iba na. Natatakot siya. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot.

Why? Why am I scared? This is what I wanted sa una palang 'di ba? Naguguluhan niyang saad sa kaniyang isipan.

"Huwag kang kabahan. Alam ko ang iyong sadiya," saad ng albularyo dahilan upang mapatingin sa kaniya ang dalawa. Itinuro nito ang kahoy na upuan sa harapan. "Kayo ay maupo muna. Ikukuha ko kayo ng maiinom. Alam kong pagod kayo sa ilang araw niyong paglalakbay."

Matapos sabihin iyon ay umalis na ito at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig.

Napalunok naman si Sarina at napahawak sa kamay ni Mika. "Kinakabahan ako."

Ngumiti lang si Mika at hinaplos ang braso ng kaniyang head chef. Kahit siya ay kinakabahan din sa magiging resulta ng gagawin nila. "Huwag kang mag-alala makakabalik ka na sa panahon mo."

Natahimik si Sarina at napabuga nalang ng hangin. Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam kung paano pakakalmahin ang sarili niya. Dapat ay masaya siya 'di ba? Pero bakit ganito? Bakit siya natatakot? Pakiramdam niya ay parang gusto niyang umatras.

Bumalik na ang albularyo at may dala itong isang pitsel at dalawang baso. Inilagay iyon ng albularyo sa mesa sa harap nila ngayon.

"Kayo ay uminom muna. Alam kong pagod kayo sa inyong paglalakbay," saad nito.

Natahimik naman ang dalawa. Totoo iyon. Uhaw na uhaw na sila. At ang supply nila ng pagkain ay halos ubos na rin.

Pinagsalin ni Mika ng tubig ang kaniyang head chef at pinainom ito na kaagad namang tinanggap ni Sarina. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawak ang baso ng tubig.

"Ako si Arus, maaari niyo akong tawaging Tandang Arus. Iyon ang tawag sa akin ng mga taong dumarayo rito upang magpagamot," saad ng albularyo saka ngumiti sa kanilang dalawa.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now