Chapter 13: Hilaga (4)

433 27 5
                                    

[Chapter 13] 

Matapos niyang magluto ng hapunan ay kaagad niyang ibinigay ang kaniyang niluto sa enuko dahil ito ang maghahatid sa hapag kung nasaan ang dalawang hari at reyna. 

Naiwan sa kusina si Sarina. Ang mga chef na sobrang sama makatingin sa kaniya simula nang makarating siya rito ay kanya-kanyang inihatid ang kanilang mga niluto sa hapag at iba pang parte ng palasyo. 

Habang mag-isa siya rito sa kusina ay sinamantala na niya ang pagkakataon. Kumain siya ng putaheng niluto niya na tinira niya para sa kaniya saka siya nangupit ng kanin. Kaunti lang naman, ang magkalaman lang ang kaniyang titan.

Matapos kumain ay nagtungo na siya sa labas ng palasyo. Nagtungo siya sa mga guwardiya ng kanilang kaharian dahil bukod sa nabobored na siya ay wala pa siyang makausap kahit na isa.

Nang makita na ang mga ito ay kaagad siyang ngumiti at kumaway. Madilim na sa paligid dahil gabi na. Malamig narin ang temperatura. 

"Mga Pare! Kamusta?" Masaya niyang saad at patakbong nagtungo sa mga guwardiya ng kaharian nila na ngayon ay nakaupo sa damuhan at nagtitipon sa ilalim ng isang malaking puno.

Tumango ang mga ito sa kaniya maliban sa kaniyang bantay na ngayon ay nakasandal sa puno habang nakatakip ang sombrero sa mukha. Sa palagay ni Sarina ay natutulog ito.

"Ayos naman ba kayo rito?" Tanong ni Sarina sa mga ito saka siya naupo rin sa damuhan. Alas-otso na ata ng gabi at madadama na talaga ang lamig ng temperatura dito sa labas.

"Oo, hinihintay na lamang naming pumatak ang alas-diez at kami'y makakapagpahinga na sa aming silid," sagot ng isa. Hindi manlang ito humihikab o inaantok, hudyat na sanay na sa puyatan.

Napatango si Sarina sa sinabi ng guwardiya. Wala na muling nagsalita pa. Lahat ay nakatingin sa malayo na tila hinahayaan ang katahimikan na lamunin silang lahat.

Namuo ang katahimikan sa paligid na talagang hindi kinakaya ni Sarina. Naupo siya ng tuwid nang may maisip.

"May alam ba kayong bahay-aliwan dito?" Mapilyo niyang tanong habang nakangisi sa mga ito.

Kaagad na natigilan ang mga guwardiya at nagkatinginan dahil sa kaniyang sinabi. Hindi nila akalain na interesado pala si Pogi sa mga ganoong bagay. Kung titignan kasi ang katawan nito ay tila bata pa.

 "Ikaw ha, ikaw ay matinik pala, Pogi." Kantyaw ng isang guwardiya.

Napangisi si Sarina at napakumpas sa ere. "'Di naman. Pampalipas oras lang."

Nagtawanan ang mga guwardiya at inasar pa siya lalo. Natigil lamang ang asaran nang isang guwardiya ang lumapit sa kaniya at inakbayan siya dahilan upang mapatingin siya rito. 

"May alam akong bahay-aliwan dito. Apat na liko lang ang iyong gagawin at makakarating ka na." Saad nito habang tinataas baba ang kaniyang kilay.

Napangisi si Sarina at nakipag-apir dito. Nung una ay nawirduhan pa ito ngunit kalaunan ay naki-apir nalang rin. "Maraming salamat, p're. Hulog ka ng langit."

"Walang anuman," saad nito.

"Ngunit hindi ba't masyado pang maaga para magtungo roon?" Nagtatakang saad ng isa. "Alas-otso pa lamang, ngunit kung iyong nanaisin naman ay walang problema."

Natawa si Sarina. "Maaga pa pero okay lang. Ang mahalaga ay makapagsaya," saad niya sabay kindat.

Nagtawanan ang mga ito at ang iba ay napasipol pa. Natawa rin tuloy si Sarina. Nung nakaraan lang ay hindi siya pinapansin ng mga ito ngunit nang matikman na ang luto niya ay bigla niyang naging kaibigan.

"Ayos ka talaga, Pogi!" Saad ng isa at nakipag-apir kay Sarina. Nagustuhan nito ang pakikipag-apir nang makitang ginawa iyon ni Sarina sa ibang guwardiya.

The Royal ChefМесто, где живут истории. Откройте их для себя