Chapter 31: Unexpected

390 32 8
                                    

[Chapter 31]

"Ano na ang ating gagawin?! Kakaunti na lamang ang ating oras. Wala na tayong oras pa para magtungo muli sa bayan," kinakabahang saad ni Lando habang palakad-lakad ito sa gitna ng kusina.

Nakaalis na ang kawal na naghatid sa kanila ng masamang balita dahil babalikan daw nito ang mga kasama.

Silang lima na lamang ang natira sa loob ng kusina. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa. Wala na silang sapat pa na oras para magtungo sa bayan dahil malayo iyon at napakarami ng kanilang dapat bilhin.

"Fudge! Bakit ngayon pa 'to nangyari?!" Naiinis na saad ni Sarina habang hinihilot ang kaniyang sintido.

Naiinis siya and at the same time nadidisappoint. Napakaayos na ng plano nilang lima. Nakahanda na lahat ng recipe. Nagpractice pa sila kaunti kagabi upang makuha ng apat ang style ni Sarina sa pagluluto.

"M-Mga kaibigan, baka mayroon pang laman ang imbakan ng mga pagkain?" Patanong na saad ni Manuel dahilan upang matigilan ang apat at sabay-sabay na mapalingon sa kaniya.

"Fudge! Oo nga!" Saad ni Sarina na tila nabuhayan ng pag-asa.

Nagmamadali siyang lumabas ng kusina at nagtungo sa imbakan ng mga pagkain. Rinig niya ang sunod-sunod na yabag ng apat sa kaniyang likuran, hudyat na sumunod ang mga ito sa kaniya.

Nang makarating sa imbakan ng pagkain ay kaagad silang pumasok at inilibot ang tingin sa loob.

Ngunit nang makita ang kabuoan ay muli silang nawalan ng pag-asa. Ang kabang nararamdaman nila kanina ay mas lalong lumala habang nakatitig sa mga istanteng walang laman.

"P-Paano na tayo?" Kinakabahang saad ni Santino saka binalingan ang mga kasama na ngayon ay bagsak din ang pangang nakatingin sa loob ng imbakan.

"W-Wala na?" Nanghihinang saad ni Sarina habang nakatingin sa kabuoan ng imbakan na halos walang laman bukod sa mga bulok ng gulay.

Hindi nila ito madalas icheck dahil tiwala sila na palagi itong iniimbakan ng mga tagapagsilbi dahil sa tuwing nagtutungo sila rito ay palagi itong may laman. Ngunit iba ngayon dahil blangkong blangko ang mga ito na tila ninakawan.

"Paano na? Tiyak na magagalit sa atin ang mahal na hari kapag hindi natin nagawa ng maayos ang iniutos niya sa atin." Natatarantang saad ni Gomez.

Napakagat-labi si Sarina sa narinig. Kinakabahan rin siya at nababahala. Nakasalalay sa kanilang lima ang pangalan ni Alas. Hindi ito pwedeng mapahiya. Madami pa namang dadalo sa party at halos karamihan ay matataas na tao.

Iniisip niya palang ang magiging reaksyon ni Alas ay nakokonsensya na siya. Hindi naman ata ito magagalit sa kaniya, 'di ba? Umiyak siguro, oo. Pero ang magalit? Hindi niya alam. Huwag naman sana. Nakakatakot daw kasi magalit ang mga mababait. Kaya iyon ang ayaw niyang mangyari.

"Paano na tayo?" Kinakabahan at namumutlang saad ni Lando.

Napatulala si Sarina sa kawalan habang ang kaniyang mga kasama ay namamawis at namumutla na kaiisip sa maaaring kalagyan nila kapag nalaman ng haring wala silang maihahain na pagkain sa mga bisita.

Nasa ganoon silang eksena nang bigla na lamang manlaki ang mga mata ni Sarina sa napagtanto at kaagad na nagliwanag ang kaniyang mukha at malaki ang ngising nilingon ang apat na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kaniya.

"May naisip na ako!" Hiyaw niya sabay palakapak dahil sa matinding tuwa. "Tara sundan niyo ako!"

Tumakbo siya palabas ng imabakan ng mga pagkain. Hindi na niya nilingon pa ang apat dahil naririnig niya naman ang mga yabag nito.

The Royal ChefOn viuen les histories. Descobreix ara