Chapter 2: Azrael Luna

839 32 0
                                    

[Chapter 2]

Muli idinilat ni Sarina ang kaniyang mga mata. Kaagad siyang napangisi saka napailing. Parang de ja vu. Pang-ilang gising na ba ang nagawa niya sa isang araw? Psh.

Naupo siya mula sa kaniyang kinahihigaan. Napangisi siya ulit habang sinusuri ang paligid.

Hmm... What kind of place is this?

Nasa isang malawak na kwarto siya. Wala rin siyang kama at tanging tatlong patong na kutson lang ang kaniyang hinihigaan na talagang nagustuhan niya. Korean style kasi.

Napatingin pa siya sa ibang sulok. Wala siyang makitang kahit anong ilaw. Instead, mga gintong lampara lang sa paligid. Pansin niya rin na ang mga bagay sa kaniyang kwarto ay puro antique.

Inabot niya ang isang antique pot na nakapwesto sa kaniyang gilid at sinuri ito. Kaagad siyang napangisi noong maisip palang niya kung magkano ang presyo nito kapag binenta niya. Instant money, Baby.

Ganito ba ang clinic sa kampo nila? Masyadong old style. Napag-isip-isip niya.

Napahimas siya sa kaniyang baba habang tinitignan isa-isa ang mga bagay na naroon sa kwarto. Tumayo siya na nagpalaki sa kaniyang mga mata. Wala siyang maramdamang sakit.

What the hell? Bakit ganon?

Tinignan niya ang kaniyang bracelet. Ang ilaw ay umiilaw ng green. Ibig sabihin ay maayos siya at walang sakit. Samantalang kanina palang ay halos mamatay na siya sa panghihina.

Naaalala niya pa nga kung paano nag-iyakan sina Lory sa kaniya e. Tapos ngayon parang wala lang sa kaniya. Psh. Ano naman kaya ang ginawa ng nurse na gumamot sa kaniya?

Umayos siya ng tayo at nag-jumping jacks. Mabuti na ang handa dahil alam niyang maya-maya ay papasok na ang boss nila para papuntahin sila sa field at magzumba nanaman ng Girl In The Mirror at iba pang zumba dances.

Matapos mag-jumping jacks ay lumapit siya sa pinto. Hahanapin niya muna sina Lory. Balak niyang ibigay dito ang bracelet na talagang pinagpuyatan niya.

Hindi pa nga niya nabubuksan ang pinto ay nakarinig na kaagad siya ng usapan sa labas. Instead of opening the door, pinili niyang idikit ang tenga sa pinto upang makinig.

**********

"Kamusta ang aking anak?" Tanong ng lalaking kanina pa nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ng kaniyang anak.

Naglalakad palang ang maharlikang manggagamot palapit sa kaniya at ito agad ang bungad niya rito.

Nagulat naman ang maharlikang manggagamot nang makita ang Ama ng kaniyang ginamot.

"Señor Mikael Luna, muli pong nawalan ng malay-tao ang binibini bago ko siya iwan. Ngunit aking nasisiguro na siya ay nasa mabuting kalagayan na. Natanggal ko na ang mga natitirang lason sa kaniyang katawan."

Napahinga naman ng malalim si Mikael Luna, ang marinig ang mga salitang iyon galing sa manggagamot ay talagang nagpagaan ng kaniyang kalooban.

Napakunot naman ang noo ni Sarina dahil sa narinig. The voices are not familiar to her. Bago ba nila itong Boss o ito ang mga nurse na gumamot sa kaniya.

But wait, ang sabi ng isa ay 'anak' which means hindi ito konektado sa kaniya.

Napailing nalang siya. "Sana all," saad niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata.

Iba ang boses niya. Bukod sa hindi ito kaniya, ramdam niya rin ang pananakit ng kaniyang lalamunan.

"Wah wah wah," testing niya sa boses niya.

Kaagad siyang napahawak sa kaniyang lalamunan at gulat na napatingin sa dingding. Hindi sa kaniya ang boses na 'yon! Hindi niya nga mawari kung pangbabae ang boses na 'yon o panglalake e. Hindi ito matinis, hindi rin naman bilogan. Normal lang. Pero hindi iyon kaniya!

The Royal ChefWhere stories live. Discover now