Chapter 27: Last Entry

291 26 3
                                    

[Chapter 27]

"HINDI! HINDING HINDI NIYA AKO MAGIGING ANAK!"

Sa sigaw na 'yon ni Alas mas nagulat at bumagsak ang panga ni Sarina. Nakayakap parin ito sa kaniya.

Hindi niya mahanap ang salita na gusto niyang sabihin. Masyado siyang nabigla sa biglaang pagsigaw ni Alas. Ito ang unang beses na nagtaas ito ng boses. Ito rin ang unang beses na nakita niya ang matatalim nitong mga mata na tila isang mabangis na leon na handang makipagpatayan.

Hindi na nakapagsalita pa pati si Haring Julio dahil sa gulat. Halata rin sa mukha nito ang matinding gulat. Mukhang ito rin ang unang beses na nakita at naranasan nito ang nakakatakot na sigaw at matatalim na titig ni Alas.

Nagbalik lamang sa realidad si Sarina nang maramdaman niya ang kamay ni Alas na marahang humawak sa kaniyang braso saka siya nito hinila paalis sa lawa.

Hindi narin niya nagawa pang lumingon sa likuran kung saan nila iniwan si Haring Julio dahil sa panghihina ng kaniyang nararamdaman. Nanginginig ang kaniyang katawan, o mas mainam kung sabihing natatakot at hindi mapakali ang katawan ni Azrael.

Nang makalayo na sila sa lawa ay siya namang pagtigil ni Alas sa paglalakad at hinarap siya. Ang madilim nitong ekspresyon ay napalitan ng maamong mukha saka ito nag-aalalang sinuri ang kabuoan niya.

Napaawang na lamang ang bibig ni Sarina sa nasaksihan.

What the fudge, cutie patotie? Paano nito nagagawang magpalit ng emosyon ng ganoon kadali?!

"Ikaw ay namumutla, ihahatid na lamang kita sa iyong silid," nag-aalalang saad ni Alas.

Kaagad namang umiling si Sarina saka ngumiti rito kahit na nawiwindang parin siya sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang ipinakita ni Alas kanina. "Kaya ko. Matulog ka narin."

"N-Ngunit baka ikaw ay sundan ng tarantadong iyon," nag-aalala nitong saad dahilan upang mas lalong magulat si Sarina.

Ngunit hindi sa pag-aalala nito nagulat si Sarina. Kundi sa sinabi nito. Nakakagulat masyado ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Si Alas na mahiyain at cutie patotie ay tinawag na tarantado ang hari ng ibang kaharian.

Ilang gulat na ekspresyon na ang nailabas niya ngayong araw dahil kay Alas.

"U-Umayos ka nga! Baka may makarinig sa'yo," suway niya kay Alas at marahang tinampal ang bibig nito.

Kaagad naman itong ngumuso at nag-iwas ng tingin habang nakahawak ang palad sa nakanguso nitong bibig. "Wala akong pakealam," bulong nito.

Kahit na gulat parin at hindi maka-move on sa mga nalaman ay hindi maiwasang matawa ni Sarina at marahang pisilin ang pisngi nito. Hindi naman siya na-inform na may pagka-war freak pala ang personality ni Alas. Sa halip na magulat at mag-alala sa ugaling pinapakita ni Alas ay natatawa na lang siya at napapailing.

"Umalis ka na at magpahinga dahil aalis na rin ako," saad niya at marahang tinapik ang ulo nito saka siya tumalikod at naglakad na palayo.

"N-Ngunit—"

"Ciao!" Kaway ni Sarina rito at mas binilisan pa ang lakad upang makalayo kaagad kay Alas.

Nag-aalala namang napatitig si Alas sa papalayong bulto ng kaibigan. Hindi siya mapapanatag hangga't hindi nakikita ng sarili niyang mga mata ang pagpasok ng kaniyang kaibigan sa silid nito. Nag-aalala siya sa maaaring gawin ng tarantadong haring iyon. Iba pa naman ang kutob niya roon.

Akmang susundan na niya ito at pagmamasdan sa malayo ngunit napatigil siya sa paglalakad nang tumigil sa paghakbang si Pogi at nagbabanta ang mga matang tinignan siya na tila alam nito ang kaniyang binabalak.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now