Chapter 30: Banquet

386 30 16
                                    

[Chapter 30] 

Hindi makapaniwalang nakatitig si Sarina sa lalaking hinding hindi niya akalaing makikita niya sa ganitong sitwasyon.

Kita niyang natigilan ang lalaki nang marinig ang tinawag niya rito. Dahan-dahan itong lumingon sa kaniyang gawi suot parin ang walang emosyon nitong mukha at ang malalamig nitong mga titig.

Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito sa gulat na tila hindi rin inaasahan na makita siya ngayon. Nawala ang malamig nitong titig at bigla na lamang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatitig din sa kaniya.

Nag-iwas ito ng tingin mula sa kaniya at tinignan ang enuko na nakatayo sa kaniyang likuran.

"Iniuutos kong lumabas muna ang lahat at huwag hahayaang may pumasok na kung sino habang aking kinakausap ang tagapagluto." Malamig ang boses na sabi ni Alas sa enuko.

Napalunok nalang si Sarina nang magsiyukuan ang lahat ng tao sa loob ng library at walang sabing lumabas ang mga ito.

Naiwan silang dalawa ni Alas sa loob ng silid-aklatan. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at hindi na magawang tumingin pa sa kaharap. Hindi siya makapaniwala sa nakikita at naguguluhan siya.

"Pogi..." Malumanay na tawag ni Alas sa kaniya na akala mo ay hindi blangko ang ekspresyon kanina.

Mabilis na napaluhod si Sarina sa sahig habang nakayuko parin. Hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan. Hindi parin siya makapaniwala.

Ang Alas na kaniyang palaging inaasar at dinadala kung saan-saan ay ang hari pala ng Silangan!

What the fudge?! I'm doomed!

"P-Pagbati sa mahal na hari ng kaharian ng Silangan," nauutal pa siya habang binabati ito.

Naguguluhan siya at naiilang. Sumabay pa sa nararamdaman niya ang matinding kahihiyan. Nagsimulang magsipasukan sa kaniyang isipan ang mga ala-ala kung saan palagi niyang inaasar si Alas at pinipilit na pumasok sa bahay-aliwan. Napangiwi na lamang siya.

Hindi siya nakarinig ng tugon mula kay Alas. Ngunit nakarinig siya nang mahinhing tawa at malumanay hakbang palapit sa kaniya.

Na-estatwa siya sa kaniyang niluluhuran dahil bigla na lamang siya nitong niyakap ng mahigpit! Niyakap siya ni Alas! Si Alas na hari pala ng Silangan!

"Hindi ko ito inaasahan! Ang aking tagapagluto pala at ang aking matalik na kaibigan ay iisa! Sadiyang napakaliit pala ng mundo!" Masayang bulong nito sa kaniya habang nakayakap ng mahigpit. Nakaluhod din ito sa sahig upang mapantayan siya.

"M-Mahal na hari..." Kinakabahang saad ni Sarina.

Hindi naman siya ganito kay Alas! Pero bakit ganito na ngayon?! Kinakabahan siya at parang natatakot na makagawa ng pagkakamali sa mga mata nito.

Bumitaw sa kaniya si Alas at bumingad sa kaniya ang nakanguso nitong labi na tila nagtatampo. "Hindi mo ako kailangang tawagin sa ganiyan, Pogi. Kaibigan kita."

Napalunok nalang si Sarina at napakamot nalang sa kaniyang batok habang nakaluhod parin. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan gayong ito pala ang hari ng Silangan!

Nahihiya siya at hindi makapaniwala! Hindi rin siya makagalaw ng maayos. Mali pala ang hula niya na isa itong prinsipe. Dahil ito pala ang hari!

"P-Paano? B-Bakit?" Naguguluhan niyang saad habang nakayuko parin. Ngunit kaagad rin siyang napaangat ng tingin nang marinig ang mahinang pagtawa ni Alas.

"Paumanhin kong hindi ko ito sinabi saiyo," ang kaninang masigla nitong mga mata ay napalitan ng lungkot. "Ayaw ko lamang na mag-iba ang iyong trato sa oras na malaman mong ako ang hari ng kahariang ito. Kagaya na lamang ngayon... At... Natatakot ako na madamay ka sa mga kaguluhang nangyayari sa aking buhay kapag nalaman nilang malapit ako saiyo."

The Royal ChefWhere stories live. Discover now