Chapter 6: Elimination

493 33 8
                                    

[Chapter 6]

Malaki ang ngisi habang tumatakbo si Sarina patungo sa mga lalaking nakapila sa isang pintuan. Hawak ang isang papel at ang ID. Nakangisi niyang nilapitan ang isang lalaking mukhang ka-edaran niya lang.

"Kuya, dito ba magaganap audition?" Tanong ni Sarina sa lalaki.

Lumingon ito sa kaniya. Kunot ang noo, tila naguguluhan. May hawak rin itong papel at isang parihabang bagay na ang tawag ni Sarina ay ID.

"Paumanhin..." Saad nito saka siya sinuro mula paa hanggang ulo. "Ngunit hindi ko naunawaan ang iyong sinabi, Ginoo. A-Ano nga ulit iyon?"

Napakamot sa kaniyang batok si Sarina at pinakita ang hawak niyang papel. Kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan, lugar kung saan nakatira, at ang rason kung bakit niya naisipang mag-apply.

"Ako si Olaf Pogi. Pogi nalang itawag mo sa'kin," saad niya sabay turo sa pinto. "Sabi ko, kung dito ba yung magaganap na pagpili para sa mga magiging bagong tagapag-luto ng palasyo?"

Napatango ang lalaki sabay ngiti. "Ah! Oo, ito nga iyon. Ikaw ba'y susubok rin?"

Napangisi si Sarina. "Hindi ako nandito para sumubok. Nandito ako para matanggap," mayabang nitong saad sabay kindat sa lalaki.

Bagsak ang panga ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng ginoo sa kaniyang harapan! Sa isip niya ay masyadong mataas ang kompyansa nito sa sarili.

"Ah... ganoon ba."

Ngumisi lang naman si Sarina sabay akbay sa lalaki. "'Di ka makapaniwala 'no? Anyway, kailan ba magsisimula?"

Napakamot nalang sa ulo niya ang lalaki. Naguguluhan sa ugali ng lalaking nakaakbay sa kaniya ngayon.

"Sa aking palagay ay ngayon na. Siguro ay inaayos nila ang mga gagamitin para sa magaganap na pagpili."

Napatango si Sarina. Hindi na siya makapaghintay! Confident naman siya na matatanggap siya. Bukod sa magaling siya magluto, advantage narin niya ang pagkakaroon ng advance knowledge at mga recipe na natutunan niya sa makabagong panahon.

"Teka, ano nga palang pangalan mo?"

Ngumiti ng alanganin ang lalaki. "Ah, ako si Lando San Diego. Lando na lamang."

"Nice to meet you, Lando!" Nakangiting saad ni Sarina. Nakaakbay parin sa lalaki na kasing tangkad niya lang.

Lahat ay naalarma nang unti-unting bumukas ang malaking pinto sa kanilang harapan. Nanlaki ang mga mata ni Sarina, gayon din ang katabi niya na si Lando. Lahat ay napatayo ng tuwid.

"Magsisimula na ang pagpili!" Anunsyo ng isang kawal mula sa loob, nasa gilid ito ng pinto.

Napasilip si Sarina sa loob. Isa iyong malawak na espasyo at may mahabang mesa sa gitna. At sa gilid ay napapaligiran ng mga kalan. Sa gilid ay naroon ang isang bahay. Sa wari ni Sarina ay iyon ang tunay na kusina ng palasyo, at naririto lang sila sa likod ng kusina.

Nang makapasok ay mas lalong nangislap ang mga mata ni Sarina. Presko ang hangin at malawak. Tanging mataas na pader ang naghahati at humaharang upang hindi makita ang kalsada sa labas at ang pinanggalingan nila kanina.

"Omg! Ito na!" Masaya niyang bulong sa katabi na ngayon ay kunot noong nakatingin sa kaniya.

Napasuri si Sarina sa paligid. Marami rin ang mga applicants. Siguro ay nasa tatlumpo. Pinalinya sila ng maayos. Limang linya at nasa unang linya si Sarina. Siya ang nasa harapan dahil siya ang pinakamaliit.

Napakunot ang noo ni Sarina nang magawi ang kaniyang mga mata sa unahan. May maliit na entablado roon. Mayroong isang lalaking nakatayo na sa tingin niya ay isang kawal.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now