Chapter 4

776 54 3
                                    

It was a Wednesday afternoon and I was at the frat's tambayan going over the countless concerns that I had listed down the day before.

"Hi, LC!" I heard a woman's voice gaily call out.

I looked up to find DGS' Lady Chancellor smiling at me, a single long-stemmed rose in her hand.

"Uy..." I rose to my feet.

Ano nga bang pangalan nitong babaeng 'to?

"O, bakit napasyal kayo rito?"

"LC, open tambayan kami next week." She handed me the rose she was holding.

"Salamat," I said.

I turned to my brods. "Narinig n'yo 'yun? Invited ang lahat sa open tambayan nila. Nakita n'yo naman personal pa talaga nila tayong pinuntahan para lang imbitahin—"

"LC Red, hindi naman sila ang ipinunta ko rito sa tambayan n'yo, eh. Ikaw." She smiled.

The girls behind her giggled.

"Bakit?" I asked genuinely confused.

She laughed softly. "Si LC talaga, anong bakit? Hindi po ba kayo pwedeng dalawin?"

"Hindi," I said.

"Mapagbiro ka pala, LC."

"Actually, seryoso ako." I softened my words with a smile. "May usapan kasi kami ng asawa ko na dapat umiiwas kami sa mga bagay na pagmumulan ng hindi pagkakaintindihan. Kaya naman walang ibang babaeng pwedeng dumalaw sa akin dito kundi s'ya lang."

I pulled Gary to stand beside me. "Itong si Gary, single na single 'to, and I can vouch for this guy's character. I can even write a long essay about how great a catch he is, 'di ba, mga brods?"

The other members laughingly clapped their hands.

"Isa itong si Gary sa Most Eligible Bachelors ng frat namin," I added.

"Oo nga, si 1st Vice na lang po, walang sabit 'yan, pwedeng-pwede!" Jo-ed hollered.

Gary's ears turned red with embarrassment.

Ang torpe naman talaga ng batang ito...

"Gary, kunin mo 'yung number ni Madam para makapag-usap kayo nang maayos at makilala ninyo ang isa't isa," I jestingly said.

"LC, bisita lang naman sa tambayan, hindi naman kita aagawin sa asawa mo," DGS' head issued.

Smiling, she turned to the other girls who were with her. "Sisses, akala yata ni LC Red ay nililigawan ko s'ya. Isn't that ridiculous?"

The women laughed.

I laughed along with them. "Hindi naman. Nag-iingat lang."

"Takot ka pala sa asawa mo, LC?" she asked,

"Hindi lang takot. Takot na takot pa," I told her.

"Miyembro ka pala, LC, ng TakoSa?"

"Takot sa Asawa? Oo, ako pinuno n'un," I jokingly replied.

"Gan'yan kasi ang mga tunay na lalaki, takot mawala 'yung babaeng mahal nila. 'Di ba, LC?" Jerome, one of the junior members, spoke.

I pointed a finger at him. "Tumpak!"

"LC naman, eh, masyadong nagpapapogi, eh," DGS' Lady Chancellor uttered giggling. "'Yan na ba ang bagong galawan ng mga lalaki ngayon? 'Yung magkukunyaring sobrang loyal sa mga girlfriends nila para mas nakakaengganyong agawin?"

"Nakupo, wala po 'yan sa plano ko, ang magpaagaw. 'Tsaka, Madam, hindi ko po girlfriend, asawa ko po. I'm married."

"You're married?" she asked looking baffled.

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon