Chapter 20

646 43 2
                                    

Stressed ka na naman, kanina ka pa buntong-hininga nang buntong-hininga. Gusto mo bang ikuwento?" my wife asked as we were having dinner. "Ano ba kasi ang problema?"

"Hindi ko kasi alam, Lalabs, kung tama ba 'yung ginawa ko. 'Yung isang kapatid kasi ng brod, tumambay sa tambayan kanina and the brods were telling her about our at homes and final rites. We're not supposed to tell outsiders those. Ikaw nga na asawa ko hindi ko kinukuwentuhan, eh. Pero, alam mo na, mga bata kaya naman nagpapabidahan..."

"Hm...so what did you do?"

"Pinagsabihan ko. Pag-mi-meeting-an pa namin ng ibang officers kung anong gagawin sa mga 'yun."

"Pero, lifetime ang pagiging member ng frat, hindi ba? So, hindi mo sila pwedeng i-expel."

"Wala naman akong balak i-expel sila but they should be taught a lesson. 'Yung nanguna pa sa kuwentuhan ay officer din. Ayoko silang i-suspend kasi kailangan namin ng manpower for the events pero gusto ko naman silang turuan ng leksyon."

"Ipagpaliban mo muna 'yung suspension nila dahil kailangan mo ng tao for your outreach program. Next month anong event ninyo?"

"ACLE at Exhibit sa AS Lobby."

"That's the time na pwede kang mag-suspend kasi iilan lang ang kailangan doon, 'di ba?"

"Siguro gan'un na lang 'yung gagawin ko."

"Kaninong kapatid 'yung tumambay sa tambayan ninyo?"

"Kapatid ni Tolits."

"Tolits?"

"Yung may-ari ng resort na pinagdausan namin ng at homes."

"Bakit, estudyante pa rin ba 'yun?"

"Hindi, mas matanda s'ya sa atin, Lalabs. Graduate na s'ya two years ago pa."

"Anong ginagawa ng kapatid n'ya doon kung wala na pala ang Kuya n'ya? Sinong pinupuntahan n'ya?"

"Nakikipagkaibigan sa mga brods, mahaba raw kasi ang free period n'ya kaya nakiusap 'yung Kuya n'ya na baka pwedeng bumisita 'yung kapatid n'ya doon paminsan-minsan."

"Hm...ilang taon na 'to?"

"Hindi ko alam, third year daw so baka 18 or 19."

"'Yan ba 'yung sinabi mo n'ung nakaraan na nagtangkang agawin ka?"

Putakte ka rin kasi bakit may sinabi kang gan'un? Matindi 'yang memory ng asawa mo, ultimo 'yung huling tikhim mo ay alam n'ya kung kailan.

"Wala 'yun, biruan lang naman 'yun, Lalabs. 'Tsaka bata pa 'yun, mukhang nagkakamabutihan nga sila ni Ric, eh."

Green did not reply.

I sighed. "Okay, n'ung at homes tinanong n'ya kung pwede raw ba s'yang sumabay, humindi ako. Ang sabi ko susunduin kita kaya hindi ako didiretso ng Diliman. I felt uncomfortable, too, kaya naman tinanggihan ko."

"So, may gusto sa'yo 'tong babaeng 'to? Does she know that you are married?"

"Yes, she does. Hindi ko masabing may gusto, baka natutuwa lang kasi she heard me talking to you over the phone. Ang sabi n'ya ay ang sweet ko raw sa'yo."

"Eh, punyeta, bakit s'ya tumatambay sa tambayan n'yo at bakit n'ya gustong makisakay sa kotse mo?"

"Lalabs, I wasn't even there n'ung nagpunta s'ya at n'ung dumating ako I asked her to leave dahil nga may meeting kami."

I knew that I was trying to downplay Sienna and whatever her intentions were. Pero, ayokong mag-away kami ng asawa ko nang dahil lang sa kanya. When Green and I got married, we promised ourselves that we'd always tell each other the truth.

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now