Chapter 2

9.7K 304 48
                                    

I parked beside my wife's car and then got off, too, when she did.

She looked inquiringly at me. "O, bakit ka bumaba? Mamaya pa klase mo, 'di ba? Akala ko didiretso kang tambayan n'yo."

I took her hand in mine. "Ihatid na muna kita sa classroom mo."

"Hindi por que nakapag-pancake ka kanina, ha, sweet ka na," she joked.

I laughed out loud. I couldn't remember when we started calling making love our pancake session; maybe it's because we both love doing it in the morning.

"Lalabs naman, kahit naman hindi tayo nag-pa-pancake sweet naman talaga ako sa'yo."

"Sus."

"Oo kaya," I replied before we started walking towards our college for her BA 120.2 class.

I heard her sigh and I stole a glance at her. "Ano 'yun? Anong iniisip mo?"

"Hindi ko alam. Ngayon lang kasi nag-sink in sa akin na hindi tayo parating magkasama. Hindi ako sanay, eh, na hindi kita classmate sa lahat ng subjects. Hindi ako sanay na hindi kita kasabay lumabas ng classroom. Hindi ako sanay na hindi tayo magkasamang umuwi. Bakit ba kasi sa ibang block ako napasama dahil transferee ako?" she asked sounding dejected.

"Lalabs, sorry..."

"Bakit ka ba nag-so-sorry, hindi mo naman kasalanan, ah?"

"Because I feel bad na hindi ko nagawan ng paraan because I was busy with the frat's summer recruitment."

She stopped walking and I did the same.

"Redley, h'wag mo akong kakaliwain, ha..."

"Ano ba naman. Sa tingin mo magagawa ko 'yun sa'yo? Besides everyone knows we're married."

"But not everyone will respect that marriage. And I want you to promise me that you will never entertain any thought of going astray. Kasi, Lalabs, ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo, lahat mapapatawad ko, pero 'yung third party hindi."

I chuckled. "Mrs. Yu, sa'yo lang po itong asawa mo. Saan nanggaling 'yang hugot na 'yan, bakit parang ang lalim?"

"Naisip ko lang kasi na wala ako sa tabi mo parati, na hindi ko alam kung sinu-sino ang mga kasama mo, kung anu-ano ang mga ginagawa ninyo, kung anong klaseng activities ang pinagkakaabalahan mo. I trust you, Redley. Completely. Please, don't do anything that would ruin that trust."

"Pwede ka namang sumama sa ibang activities ng fraternity, Lalabs. We have activities that are open to non-members, 'di ba? You were able to attend some of the fraternity's activities these past years. Lalo na ngayon na asawa mo ang LC, somehow, my brods expect you to be there. Besides, my brods know na brod din namin ang Daddy pati ang mga Kuya."

"Pero may ibang lalaking mga ungas na kahit alam na ngang may girlfriend o asawa 'yung kaibigan nila ay nirereto pa rin nila sa iba. Kaya sana matatag 'yang pagmamahal mo sa akin."

"Lalabs, ako pa ba? Patay na patay kaya ako sa'yo. Hindi ba ako nga ang pumikot sa'yo kasi ayaw na kitang pakawalan? Hindi ba ako ang kumuha sa virginity mo kasi gusto kong siguraduhin na akin ka lang?"

"Paano napunta sa virginity ko ang usapan, eh, relasyon itong pinagdidiskusyunan natin ngayon?" she asked with a frown.

I laughed. "Mrs. Yu..."

I pulled her towards me before I hugged her tight. "Mrs. Yu, aalagan ko itong relasyon natin. Magtiwala ka lang."

I felt her arms go around my waist.

"Aasahan ko 'yan," she whispered before she tiptoed to kiss me on the cheek.

"I love you..." I said.

"I love you more..."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon