Chapter 17

514 36 1
                                    

"Paki-explain nga sa akin bakit pareho naman tayo ng subjects pero hindi tayo classmates?" I asked Green as I walked her to her classroom. It was a Tuesday and I wished Mondays could go on forever.

"Kasi nga po transferee ako at sa kasamaang palad ay sa kabilang block ako napabilang at hindi sa block mo. Wish ko lang 48 hours and Monday para 72 hours tayong walang klase kasama Linggo."

"Next sem, gawan natin ng paraan 'yung mga classes natin, ayokong hindi tayo classmates. Bakit ba hindi natin naisipang makiusap sa mga professors natin para sana naisingit ka man lang sa classes ko?"

"Kasi nga I wanted to feel like the strong, independent woman I believed I was. Lately ko lang naman na-realize na ang rupok ko pala at sobra pala akong clingy sa asawa ko."

"Okay lang 'yan, clingy rin naman ang asawa mo sa'yo. Basta next sem, let's make sure that we're classmates in all our subjects, okay?"

"Okay, sa ngayon magkasya na muna tayo sa pagiging housemates, showermates, bedmates..."

"'Yung asawa kong masyado akong pinapakilig."

I whispered into her ear. "Bedmates sound so delicious..."

"You're delicious," she whispered back.

We both laughed.

"Anyway, Lalabs, mamaya pala tatambay ako sa org kasi ngayon magsisimula ang pagiging applicant ko. Inihabol nga lang ako ni Cindy, eh, mabuti pumayag pa 'yung president nila. Nagtataka kaya sila kung paano ako nakarating ng 5th year nang walang sinasalihang org."

"Sana sinabi mo na may org tayong dalawa kaya hindi na natin pa kailangan ng iba."

"Anong org 'yun, Lalabs? Orgasm?" Green said before slapping a hand over her mouth. "Hala, grabe ang bastos ko na, kailangan ko na yatang mangumpisal."

I laughed. "Okay lang 'yan basta sa akin ka lang bastos."

"Siyempre naman, exclusive kaya kalandian at kabastusan ko sa'yo."

"If that's the case, hindi ako magrereklamo," I replied with a grin. "Pero, kung tatambay ka anong oras kita susunduin?"

"Hanggang 6PM ako tatambay. Ikaw ba may activity pa ba kayo sa frat n'un?"

"May meeting kami because we're prepping for the outreach program next week."

"Kailan nga ba next week 'yung outreach program ninyo?" she nonchalantly asked.

"Monday po." I smiled. "Akala mo nakalimutan ko na 'yung anniversary natin, ano?"

She pouted. "Hindi, ah."

"Talaga?"

"Oo. Pero, kung sakaling makalimutan mo man 'yung third anniversary natin, tatlong sapak makukuha mong regalo galing sa akin. May bonus pang tatlong tadyak."

"Paano 'yan, hindi ko nakalimutan? Baka naman pwedeng 'yang katawan mo ang hingin kong regalo?"

"Magpakasasa ka lang sa katawan ko, iyong-iyo," she replied.

"Akin naman talaga 'yan, ah. Naka-watermark nga d'yan full name ko, eh – Griffin Redley Tan Yu."

"Ay, watermark na pala ang labanan ngayon, lalagyan ko rin 'yung ano mo..." She winked at me.

"'Yung ano?" I asked laughing .

"Yung iyong mortal instrument."

I laughed out loud.

"Lalagyan ko ng Gianna Renée de Santiago – Yu's Personal Property."

"Hindi ba masyadong mahaba, Lalabs?"

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now