Chapter 9

460 33 1
                                    

"Hello po, Mommy. Good morning po," I said over the phone. I had repeatedly recited what I was going to tell my wife's parents before dialing my mother-in-law's number.

"O, Red! Good morning din. Si Green?"

"'Mmy, uuwi po si Green d'yan sa Cebu."

"Ha? Kailan?"

"Ngayon po."

"Ngayon? Bakit, wala ba kayong pasok?"

"Meron po."

"Eh, bakit kayo uuwi? Anong nangyari?"

"Kaunting misunderstanding lang po."

"Kaunti ba 'yang nag-alsa balutan ang asawa mo?"

"Ayoko pong isiping malaking problema po ito. Baka kailangan po muna naming magpalamig bago po kami mag-usap uli."

"Where are you? Are you with Green? Kausapin ko nga 'yang anak ko."

"Hindi po kami magkasama. Sinusundan ko po 'yung taxi na sinasakyan n'ya papunta pong airport."

"Ano bang pinag-awayan n'yo, Red? Are you okay?"

"Opo. Okay lang naman po ako. Tumawag lang po ako para po masundo n'yo po s'ya sa airport. Baka po kasi makalimutan n'ya kayong tawagan dahil po masama ang loob n'ya sa akin kaya ako na lang po ang nagkusa. 'Tsaka hindi pa po yata s'ya kumakain simula kaninang umaga..."

"H'wag kang mag-alala, kami na ang bahala. Ipagluluto namin ang asawa mo ng mga paborito n'ya. Pero hindi mo pa rin ako sinasagot kung ano ang pinag-awayan n'yo, Redley."

"Nagkatampuhan lang po."

"Hindi third party?"

"Mommy, hindi po. Sumama lang po ang loob ni Green sa akin kasi po may hindi po ako tinupad na pangako."

Bakit ba parating tinatanong ng mga nanay namin kung may third party na involved? Mukha ba akong mangangaliwa?

"Mommy hinding-hindi ko po kakaliwain ang anak ninyo," I blurted out unable to help myself.

I heard my mother-in-law laugh.

"Alam ko naman. 'Tsaka sa tapang ng asawa mo ay naku baka hindi ka na makapagsalita dahil tatanggalan ka ng kaligayahan n'un agad-agad. Pero, okay ka lang ba talaga?"

"Opo."

"Sigurado ka? Baka gusto mo ng kausap? Pwedeng-pwede mo akong kausapin. Mas kilala ko ang ugali n'yang asawa mo. H'wag na h'wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa amin na pamilya n'ya kung nahihirapan ka na sa kanya, ha."

"Mommy, ako naman po ang may kasalanan kaya po humihingi po ako ng pasensya kasi po mukhang inubos ko po 'yung pasensya ng anak ninyo."

"Lahat ng mag-asawa nag-aaway. But as Green's mother I will draw the line kapag may third party nang involved, o kung may physical o verbal abuse nang nangyayari. Pero, other than those three, normal lang 'yan at nadadaan pa sa usap—teka lang, Red, kakausapin ka ng Daddy n'yo. Ibibigay ko muna sa kanya 'yung telepono, ha."

I inwardly groaned. Hindi ko naman ipagkakailang takot ako sa tatay ng asawa ko. Kahit sino sigurong lalaki ay takot sa tatay ng misis nila.

"Redley," I heard my father-in-law's deep booming voice.

"Hello po, Dad. Good morning po—"

"Ano 'tong narinig ko na nag-away kayo ng anak ko at uuwi s'ya rito?"

"Nagkatampuhan lang po," I replied swallowing the brick that seemed to have lodged itself in my throat.

"Bakit?"

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now