Chapter 15

438 24 3
                                    

"Kumusta ang meeting?" Green greeted me with a hug as soon as I stepped inside the apartment.

I buried my face into her hair embracing her tightly.

"Lalabs inaapi nila ako..."

"Bakit, anong ginawa nila sa'yo?"

"Pinapasakit nila ulo ko," I said remembering my conversation with Gamma Phi's Grand Master, their frat's equivalent of Lord Chancellor.

"Bakit anong nangyari?"

"Parang magkakaroon yata kami ng rumble."

"Ano?"

"Hay, sana madaan pa sa usapan. Minsan sarap paluin ng tubo sa ulo 'yung ibang brods ko, eh, napakapasaway."

"O, ayaw mo n'un praktisado ka na?" my wife replied with a laugh.

I chuckled. "Sabagay. Lalabs, bukas pala maaga akong aalis, ha, para sa at homes ng mga neos."

My wife groaned. "Anong oras ka naman babalik?"

"Baka gabihin na ako, pito sila, eh. Sa Batangas kami pupunta, doon sa resort nina Brod Tolits."

"Wala namang babae doon, 'di ba?" she asked.

"Meron, 'yung staff ng resort, pero, hindi naman namin sila makakahalubilo."

"Resort 'yun, mamaya may mga naka-swim suit at bikini d'un, you look the other way if such a sight presents itself, okay?"

I laughed out loud. "At homes, 'yun, Lalabs, parang mid-terms ng mga neophytes namin. Sa tingin mo talaga ay may oras akong tumingin sa kahit sino mang babae doon? 'Tsaka naman, sa sexy ng misis ko ay maghahanap pa ba ako ng iba?"

She leaned away to look at my face. "Pwede ba akong sumama?"

"Aw, Lalabs, hindi, eh..."

"Pwede ba akong pumunta ng Laguna, uwi muna ako sa inyo?"

"Gusto kong sabihing oo but I will worry myself to death kung magbibiyahe kang mag-isa. Paano kung masiraan ka ng sasakyan sa daan, sinong tutulong sa'yo? Paano kung may tarantadong lasing na bigla na lang mag-cut sa'yo? Sigurado akong hahabulin mo 'yun para bungangaan. Baka nga makipagkarera ka pa d'un, eh."

"Ay, wow, grabe na ako sa pagiging immature talaga sa paningin mo." She pouted.

"Hindi naman, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ayokong nagbibiyahe kang mag-isa, eh. Lalo na kung oras na ang aabutin ng biyahe. Okay lang sana kung papunta lang ng Diliman, hindi ako masyadong kabado kasi ilang minuto lang pero 'yung long drive..."

She opened her mouth to protest.

"'Tsaka sabi ni Daddy ay h'wag daw kita hahayaang magbiyahe mag-isa kasi kaskasera ka raw."

My wife stomped her foot. "Eh, ano na namang gagawin ko rito?"

"Matulog? Manuod ng T.V.? Magbasa?" I smiled.

"Pwede ba akong pumuntang SM?"

"Hm...anong gagawin mo d'un?"

"Mag-sa-shopping."

I wanted to tell my wife that she shouldn't because we had to set money aside for emergencies but I knew that I wasn't in a position to do so because it's her parents' money and not mine.

"Okay..." I nodded. "Pero awat na sa pagbili ng mga bagong pinggan at baso, ha. Ang dami-dami na natin. May mga boxes ka pang hindi nabubuksan."

"Bed sheets na lang at towel."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now