Chapter 21

517 26 1
                                    

"Green!" Faith excitedly greeted throwing her arms around my wife who happily returned her hug. "Hi, Red!" she added waving at me.

"Hi, Faith. Si Dylan?"

"Nand'un sa table ng mga pinsan n'ya. Wait, ipapatawag ko."

"Okay lang, h'wag na, magkikita rin naman kami mamaya."

"Pasensya ka na, Mars, sobrang na-traffic kami..." I heard my wife say.

It was impossible to hide my smile.

"Mabuti nakakangiti pa itong si Red, naburyong nga si Dylan kanina kasi nakakaloka talaga, sobrang traffic."

"Tapos na ba 'yung party ni Baby Darielle?"

"Hindi pa, in fact, kasisimula pa lang. Na-traffic din kasi sina Mommy, eh."

"'Buti na lang at umabot pa kami. O, nasaan na ang birthday girl?" Green asked.

"Nand'un sa Daddy n'ya. Dito tayo, ihahatid ko na kayo sa mesa n'yo."

"Para pala kay Darielle." I handed Faith three gaily-wrapped birthday gifts.

"Wow, tatlo talaga? Bakit naman ang dami? Thank you, Ninang Green, Ninong Red, ang spoiled sa inyo ng baby ko."

"Hala naman, siyempre, first inaanak namin together si Darielle, eh."

As if on cue, one of the women who was dressed as a fairy approached to take the gifts off Faith's hands.

"Dadalhin ko na po sa mesa, Miss Faith," she said.

"Salamat, Alma."

"Grabe ang daming tao," Green commented. "'Tsaka ang ganda ng venue. "Sigurado ka bang 2nd birthday lang ito ng inaanak namin at hindi debut?" she kidded.

Faith laughed. "Naku, sina Mommy kasi. Ang plano ko nga noon ay sa McDo lang o kaya ay sa Jollibee kasi two years old pa lang naman ang anak ko, she won't remember any of this party. Pero, 'yung parents namin insisted na dito nga at si Dylan naman pumayag."

"Unang apo, eh, bobonggahan talaga nina Tita ang birthday."

Hindi ko masyadong matandaan kung paanong naging mag-bestfriends ang asawa ko at ang asawa ng may-ari ng apartment na inuupahan naming si Dylan. Sa pagkakaalala ko ay nagmagandang-loob lang kami n'ung nangailangan si Faith ng tulong at mula n'un ay naging constant visitor na namin s'ya sa apartment. At kahit n'ung umalis muna si Dylan para magpagamot at hindi na sa apartment complex na 'yun nakatira si Faith ay nagtuluy-tuloy ang pagiging magkaibigan nila.

"Redley! Green!" I heard a familiar voice.

My wife and I turned to find Dylan with our godchild in his arms approaching us.

"Hi, Kuya Dylan!"

"Kumare, Kuya Dylan pa rin tawag mo sa akin?"

"Nakasanayan lang."

Dylan laughed before he turned to me. "Kumusta, Pare? Mabuti nakarating kayo, sobrang traffic, 'di ba?"

"Oo. Grabe ang tindi ng traffic."

"Hi, Baby Darielle!" Green said taking the child into her arms. "Ay, big girl na ang baby namin, ah. At habang lumalaki ay paganda nang paganda."

"Ninang Green and Ninong Red brought you gifts, what are you going to say?" Faith asked her daughter.

"Thank you po..." our godchild shyly said before she kissed my wife on the cheek.

"Aww...ang sweet naman ng baby girl na 'to..." Green cooed. "Parang gusto tuloy kitang iuwi..."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now