Chapter 10

560 45 0
                                    

When the plane landed I was suddenly unsure if my decision to follow Green to Cebu was right. I badly wanted to talk to her but I wasn't certain if she'd be happy to see me.

Pucha, baka sipain ako n'un pauwi ng Laguna. O baka naman lalong magalit sa akin dahil hindi ko man lang maibigay 'yung space na hinihingi n'ya, I thought as I followed the throng of people towards the passenger exits.

"Redley!" I heard Kuya Blue's voice.

I looked around the waiting crowd and saw him waving at me.

"Kuya!" I waved back making my way to him.

"Kumusta ang biyahe?"

"Okay naman po."

"O, wala kang dalang bag?" he asked with a frown as we walked towards where he parked his car.

"Wala, Kuya, eh. Biglaan po kasi."

"May mga damit ka naman yata sa bahay 'tsaka h'wag kang mag-alala, pahiramin na lang kitang brief."

I laughed.

"Paano 'yung sasakyan mo?"

"Iniwan ko lang po sa airport."

"Ahh...eh, kumusta ka naman?"

"Okay lang po..." I said before I sighed. "Kuya, sorry po. Alam ko pong galit kayo sa akin."

"Asus nagdrama pa ito. O, pasok na sa loob at alam kong kapag nagbati na kayo ng kapatid ko ay babalatan ako n'un nang buhay kapag nalaman n'yang hinayaan kitang magbabad sa ilalim ng araw."

We both got inside his car.

"Nagkausap na po ba kayo ni Green?"

"Hindi pa."

"Pasensya na po, pinaiyak ko po ang kapatid n'yo."

"Iyakin naman talaga 'yun, bayaan mo na. Sigurado akong pinaiyak ka rin n'un. Lakas kaya n'un mang-api," he said turning the engine on.

He turned his head to look at me. "Ano, diretso na ba tayong bahay o baka may gusto ka pang daanan? Gusto mo bang magsimba?" he asked with a grin.

"Kuya Blue naman, lalo n'yo naman po akong pinapakaba, eh."

My wife's older brother laughed out loud. "H'wag kang kabahan. Mga magulang ko nga nag-aaway pa rin, eh. Kayo pa ba na ilang taon pa lang kasal?"

"Alam n'yo, Kuya, sobra 'yung nerbiyos ko paglapag ng eroplano. Akala ko kasi bubugbugin n'yo ako, eh, kasi pinaiyak ko 'yung bunso n'yo."

"Siguro kung nambabae ka, o kaya ay nagka-pisikalan kayo ng kapatid ko at umuwing putok ang mga labi, may mga pasa o bali si Gianna ay malamang hindi ka na sisikatan ng araw. May dala-dala na kaming pala at kabaong at hindi mo na kailangang pumunta pa ng Cebu dahil kami na mismo ang pupunta sa'yo."

I did not reply.

"Kita mo 'to, ninerbiyos na naman," Kuya Blue said with a wide smile.

"Nag-iisip lang po..."

He laughingly patted my shoulder. "Kalma!"

"Opo..."

"Alam naman namin, Red, na sobrang habang pasensya ang ibinigay mo kay Green. Alam din namin na spoiled 'yun, paano kasi bunso at nag-iisang babae. Pero, sa halos tatlong taon ninyong nagsama, wala kaming narinig na hindi maganda tungkol sa'yo. She only has good things to say about you. Ang sabi n'ya kay Mommy kahit walang lasa o kaya ay sobrang alat 'yung niluluto n'ya ay kinakain mo at wala kang sinasabi. Sabi n'ya ay kahit hilaw 'yung kanin o minsan sunog ay hindi ka raw nagrereklamo. Kaya naman n'ung bago kayong kasal, maya't maya ay tumatawag 'yun sa bahay para itanong kung paano iluto ang isang putahe. Kaya kumalma ka, Red, alam kong hindi tayo hahantong sa pagdadala ng pala at kabaong dahil ako mismo ay alam kung gaano ka kabait na asawa at kabuting tao."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now