CHAPTER 5

10 2 0
                                    


Mabilis lumipas ang araw. I'm in my 9th grade already. Si Aki ayon may new girlfriend na naman. Nakakainis ang lalandi nila. Sa harapan ko pa talaga sila naglalandian. Hindi sila nagwork ni Shanty. Mas gusto ko pa si Shanty kesa sa bago niya.  Nakabusangot tuloy ako sabay subo sa hawak kong sandwich.

"Alam mo kung nakakamatay lang ang sama ng tingin kanina pa bumulagta yang si Ashley." tukso sa'kin ni Yvy. Isa sa mga kaibigan ko. Nandito kami sa second floor at tinitignan namin silang naghaharutan sa quadrangle at nakaupo sa isang bench.

"Tama." Jade agreed kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nagtawanan naman sila kaya mas lalo akong nainis.

"Akitin mo na lang kaya." pangungumbinsi pa ni Yvy.

"Aba hindi yan maakit sa'kin. Kahit makita pa niyang hubad ako dadamitan lang niya ako."

"Mahina ka pala eh." ungot ni Jade

"Hindi naman sa mahina ako pero nirerespeto talaga niya ako."

"Hay naku magmove on ka na girl." sabi ni Yvy

"Agree."

"Pinagtutulungan niyo ako eh."

"We're stating facts."

"I'm not asking him to love me back."

"So magpapakatanga ka couz?"

"At iwan ko lang ha, Thalia. Ikaw pa talaga tumutulong sa kanya para ligawan mga nagiging girfriend niya?"

"Wala namang bawal doon." Alam ko naman sa sarili ko na nasasaktan ako pero patuloy ko lang siyang nagugustuhan. Hindi ko din naman alam kung paano ko siya kakalimutan. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito.

"Hay nako cousin dear, grabe na yang pagmamahal mo."

"Hindi niyu naman kasi ako naiintindihan."

"Yan na naman tayo." sabi ni Yvy. Nakita ko naman na kumaway si Aki kaya kinawayan ko din.

"Hay naku, marupok ang beshy mo." sabi naman ni Jade. Sabay naman silang natawa. I rolled my eyes in annoyance.

"Alam mo Thalia, siya lang kasi nakikita mo kaya ka ganyan but if you try to look for someone na mas better then it's good for you." sabi ni Yvy.

"I tried."

"Try harder couz. kapag yang pagmamahal mo mas lumalim masasaktan ka lang."



Nakatingin ako sa labas ng bintana while the teacher was lecturing us about the lessons. Walang pumasok sa ulo ko kung hindi ang pagseselos ko kay Ashley. Nandito naman kasi ako bakit kailangan pa na si Ashley. Ilang taon na din na close kami at alam na ang lahat sa isa't isa wala pa rin.

"Group yourself into three." sabi naman ni ma'am

"Ma'am kahit dalawa na kami ni Ashley." sigaw naman ni Aki. Akala ko ako ang pipiliin niya pero hindi. Kapag ganitong groupings ako ang pinipili niya. Nang tignan niya ako ay tinaas ko ang middle finger ko saying that I hate him.

In the end kaming tatlo nina Yvy at Jade. Alam ko naman na gagawin ni Yvy kaya hinayaan ko na lang silang makinig samantalang ako nagmukmok lang. Naiinis ako sa lalaking yun. Bwesit siya, hindi niya ako pinili. Hindi ba niya alam na walang alam gawin ang Ashley na yun kesa ang lumandi. Magpapatulong lang din naman siya sa'kin.



The past few days nararamdaman ko na lumalayo si Aki sa'kin dahil kapag tinatawag ko siya ay ngingiti lang siya sa'kin at aalis na. I even saw him smoking that he never do before. Tinatago niya yun kina auntie dahil sa terasa ito nagsisigarilyo at nakikita ko yun minsan dahil tumatambay din ako sa terasa namin para magpalamig. He's smoking again kaya naman agad akong pumasok sa loob ng bahay at mabilis na tinakbo ang kabilang bahay.

Way back homeWhere stories live. Discover now