CHAPTER 22

7 2 0
                                    

Sunday ngayon at plano talaga nilang magcelebrate sa may pool side. Akala ko nga sa beach eh but it was their expense so I shouldn't question that. Babalik din naman kami agad mamayang hapon. Today is August 24, 2025. Hindi din kami nagka-usap ng maayos ni Aki kagabi kasi nag-inuman sila ng ilan sa mga kaklase niya and I understand naman.

"Okay ka lang ba Ulan?" tanong niya. Tumango naman ako habang naglalakad kami papunta sa cottage namin. Hawak din niya ang bag ko. "Kanina ka pa walang imik? Galit ka ba sa'kin." napatingin naman ako sa kanya. Natawa ako.

"Bakit naman ako galit sa'yo? May ginawa ka ba?"

"Wala naman pero ang tahimik mo. May iniisip ka ba?" maingat niyang sabi kaya nginitian ko siya.

"About the upcoming project but it's gonna be okay. Kuya will handle it." I lied. Sa totoo lang iniisip ko yung trabaho niya.

What if iwan niya ako at makahanap siya ng iba? Paano naman ako? I'm scared. Worst kung napunta siya sa Mindanao at napatay siya. Parang mas gusto ko pang mapunta siya sa iba kesa ang mamatay siya. God knows how scared I am.

"Liar." he said kaya naman napatingin ako sa kanya. "Are you thinking about the nature of my work?" umiling ako pero tumulo ang luha ko. Ay traydor amp. Bigla naman niya akong niyakap kaya napa-iyak ako.

"Natatakot ako." ngawa ko. "Sobrang takot na takot ako Aki." iyak ko. He just tap my shoulder.

"You don't have to be scared. Matapang ako and if God's plan, know that everything happens for a reason. Kaya tumahan ka na mahal kong prinsesa." mas lalo naman akong umiyak. "Sabi ko tahan na, hindi ngumuwa ka pa ng mas malakas." kalmadong sabi niya.

"Nakakapagod na ba ako?" tanong ko.

"Kapag hindi ka pa tumahan. Iiwanan ka na namin ng anak natin." banta niya kaya naman hinampas ko siya. He hugs me until I calm down. "Basta tandaan mo na mahal na mahal kita and no matter where I go, I will still find my way back home to you. You're my home, Ulan." those statement make me feel calm.

Nagtatampisaw na ang iba pero nandito pa rin ako sa cottage namin. Ang saya nilang tignan. I also want this family.

"Ang lalim ata ng iniisip natin anak." sabi ni uncle kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala po uncle."

"Ako din ay kinakabahan sa piniling kurso ng anak ko, pero anak may plano ang Diyos. You just have to trust his plans." malumanay niyang sabi. "Sana huwag kang mapapagod sa anak ko. Huwag mo siyang sukuan dahil lang natatakot ka. You need to fight that fear. He must be the easy go lucky guy but you change him a lot. He matured too at alam kong mahal na mahal ka niya." napangiti naman ako.

"Mahal na mahal ko din naman po ang anak niyo uncle..."

"Papa." napatingin naman ako sa kanya. "You can call me papa." he cleared. It melts my heart. With them I feel that I have a family.

"Papa." sabi ko. Feel na feel ko. Tumango naman siya. "Hindi ko po alam pero simula pa una mahal ko na siya. Ang red flag nga po niya eh pero color blind naman po ako eh." sabi ko kaya natawa siya.

"Nawa'y lahat." sabi niya kaya natawa ako.

Actually, I don't tolerate red flags from men. Well, lahat naman tayo may red flag pero kung sobra naman ng red flag tulad ng binubogbog at inaabuso ka, you should stop. I also don't tolerate cheating, I hate cheaters.

"Alam ko naman na red flag ang anak ko but he never cheated, he never hurt women physically. Baka emotionally meron." natawa naman ako. Papa was right. "You should know your worth when it comes to things like this." tumango naman ako. He's right.

Way back homeWhere stories live. Discover now