CHAPTER 8

7 1 0
                                    


Hindi kami magkasama sa isang section ni Aki at nagpapatulong pa siya na ligawan si Kate isa sa mga matatalino. Nakakainis pwede naman kasi na ako bakit pa kasi siya maghahanap ng iba. Hawak ko ngayon ang isang tangkay ng rosas na pinapabigay niya kay Kate.

"Pinapabigay ni Aki." sabi ko at ngumiti ng peke. Ano siya gold? Napangiti naman siya kaya napa-irap ako ng palihim. Inamoy niya yun na akala mo naman may amoy. Bwesit.

"Thank you." she said as she smile so bright. I fake my smile and went straight to my chair. Aba namumuro na ang Akira na yun. Nangigigil ako. Padabog kong nilabas ang libro ko sa differential calculus para magbasa at magsolve.

"Okay ka lang?" tanong ni Alex. Tiningala ko naman ito at sinamaan ng tingin. "Ang sama ata ng gising mo." he added. Napangiwi naman ako.

"Hindi lang masama. Masamang-masama." natawa naman ito kaya naman binalik ko ang tingin ko sa binabasa ko.

"What's up cousin dear."

"Don't talk to me. I'm losing my temper."

"Ay alam ko na." sinamaan ko naman siya ng tingin kasi nakatingin siya kay kate na may hawak na rose. Sa'kin sana yun eh.

"That should be mefelling your kissThat should be mebuying you gifts." kanta ni Jade kaya naman binato ko sa kanya ang binabasa kong libro.

"Aray." atungal niya kaya napangisi ako.

"Manahimik ka, I need my focus so shut up. I need peace. Ang ingay mo. Layuan niyo ako at ang sama ng umaga ko." singhal ko at pinulot ko ang libro ko.

Nakita ko naman silang nagtawanan kaya mas lalong sumama ang timpla ng umaga ko. Bwesit na Akira kasi yun hindi man lang makaramdam. Napakamanhid. Ako pa talaga ginawa niyang tulay para sa kanilang dalawa. Sa sobrang selos ko hindi ko naramdaman na tumulo pala ang luha ko. Nakita ko na lang na nabasa ang libro ko. Agad ko namng pinunasan ang luha ko.

"Excuse me ma'am, may I go out."

"Sure Ms. Ferrer."

Agad naman akong lumabas at nagpunta sa CR. Sinara ko ang inidoro at umupo. Umiyak naman ako doon. Hindi ko na mapigilian eh. Ilang buwan na ding nanliligaw si Aki kay Kate at sobrang sakit kasi pakiramdam ko balak na niyang seryusuhin si Kate. Paano naman ako?

I look at myself in the mirror at namumula ang ilong ko ganun na din ang mata ko. Naglagay naman ako ng pulbo pero hindi pa rin maitago ang namumula kong mata. Lumabas naman ako ng ginamit kong cubicle at napapatingin ang kapwa ko estudyante ko sa'kin. Alam ko naman na nagtataka sila kung bakit namumula ang mata ko.

"Huy." napatingin naman ako sa tumawag sa'kin at nanlaki ang mata ko. "Anong nangyari? May masakit ba sa'yo?"

"Ah wala."

"Diba sabi kong ayaw ko na nakikita kang umiiyak." gusto kong isigaw sa mukha niya na dahil sa kanya kaya ako umiyak. But I calm myself and I manage to smile.

"I'm fine. Napuling lang ako sa loob."

"Kilala na kita. Mula sa amoy ng kilikili at utot mo alam ko na." napairap naman ako. Kung kilala niya ako bakit hindi niya alam na gusto ko siya.

"Masakit kasi ulo ko." agad naman niyang hinawakan ang noo ko.

"Hindi naman ah."

"I mean migrane. As in masakit parang pinipiga ang utak ko ganun." pagsisinungaling ko pa.

Way back homeWhere stories live. Discover now